PANDESAL

838 37 7
                                    

Yoko pov

It's been 3 days at nag aantay ako ngayon rito sa labas ng bahay. Nag babasakali na uuwi na siya. Ang daming pumapasok sa isip ko kung ano anao katulad ng kung ano ginagawa niya ngayon.

"PANDESAL!! MAINIT PA!! Hi, miss ganda baka gusto mo ng pandesal pamaris dyan sa mainit mong kape"

Napatingin naman ako sa babaeng naka Sakay sa bike niya Habang may malaking styro box sa likod nito.

"paano ka nakapunta rito?"

May nakalagay kasi na private property sa daanan bago pumasok papunta rito samin kaya nag tataka ako kung paano na punta to rito. Napataas naman ang kilay niya at tinuro ang daan. May pag ka pilosopo pala to.

"ngayon alam mo na, kaya sige na bumili ka na"

"mag kano ba?"

"2"

"sandali kukunin ko lang wallet ko"

Iniwan ko muna siya para kumuha ng pera. Ngayon ko lang na kita ang babae na to panigurado kakarating lang nito sa lugar na to pero familiar siya.

"bigyan mo ko ng 50 piraso"

"yownn... Buena mano"

Inabot ko na sa kanya ang pera at kinuha ang pandesal na binili ko sa kanya.

"ngayon lang ata kita nakita rito"

"nag babakasyon lang boring kasi sa Manila kaya bumisita muna ako rito sa tita ko"

"kaya pala"

"paano miss ganda alis na ko. Balikan na lang kita Bukas para sa panibago mong pandesal"

Kumindat pa siya bago umalis. Mabuti na lang ma agang umalis si itay dahil panigurado pag malaman niya na may ibaang taong naka pasok rito hahabulin niya talaga ito ng itak.

"sino yun?"

Muntik ko naman ma bitawan ang kape ko dahil sa gulat.

"ate Cha naman papatayin mo ba ko sa gulat"

"sorry"

Tawa lang naman siya ng tawa. Pinukulan ko lang siya ng matalim na tingin kakainis kasi.

"fa, gusto mo?"

Tanong ko kay Engfa na kakalabas lang ng bahay nila na may dala dalang kape. Mainit init pa tong pandesal kaya masarap pamares sa kape.

"San mo binili to?"

"don sa babaeng nag titinda"

"may nag titinda pala rito?"

"gulat nga rin ako nong pumasok yun dito"

"alam ni itay yun?"

"hindi, maagang umalis yun kanina atsaka mabait naman yung babaeng nag titinda"


Wala naman atang problema kung mag tinda yun dito dahil mukhang mabait naman. Nakalimutan ko nga pa lang kunin yung pangalan non.

Gising na silang lahat at pinag saluhan namin ang nabili Kong pandesal. At infairness na gustuhan nila, sayang nga raw dahil kunti lang ang binili ko. Hindi ko naman alam na magugustuhan nila.

"diba ikatlong araw na ng pag alis ni ate ngayon?"

"Oumm"

"ibig sabihin uuwi na siya ngayon?"

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon