DESERVE

637 45 17
                                    

3rd person pov



Kakabalik lang ni faye sa mansion ng lolo niya mula sa teritoryo ng mga Garcia. Sinalubong naman ito ng isang matandang katulong at tinanong kung may kailangan pa ba itong ipagawa ngunit nginitian lang ito ni faye at pinayuhan na mag pahinga na dahil masyado ng malalim ang gabi. Agad naman umakyat si faye ng hagdan para puntahan ang asawa niya. Huminto muna ito ng ilang sigundo sa tapat ng pintuan at bumuntong hininga bago pihitin ang doorknob.



"hey, what happened?"



Agad na salubong na Tanong ni ling kay faye ng makapasok ito sa kwarto nilang dalawa.



"may bumabagabag lang sa isip ko"



Sagot ni faye pero walang expression ang mukha nito.



"care to share"



Saad ni ling ngunit tinitigan lang ito ni faye. may bigla namang naalala si ling kaya dali dali nito kinuha ang bag niya.



"nakalimutan ko hindi ka pa pala nakainom ng gamut mo"



Binigay ni ling ang isang pirasong gamut ka faye. napabuntong hininga naman si faye at kinuha niya ito.



"hanggang kailan ko ba kailangang e take to? Ang pakla kasi ng lasa parang kalawang"



Nakabusangot na saad ni faye ngunit nilapitan lang siya ni ling at hinalikan sa balikat.



"hanggat may bumabagabag parin dyan sa isipan mo"



Kinuha naman ni faye ang tubig sa side table at ininom nito ang gamut na binigay ni ling sa kanya. Kahit pangit ang lasa ng gamut iniinom niya parin ito dahil pag hindi niya ininom ito bigla bigla na lang sasakit ang ulo niya.



"so, kamusta ang pag bisita mo sa mga kapatid mo. Nag saya kaba?"



Bigla namang pumasok sa isip ni faye ang ngyari kanikanina lang.



"yeah, nag inoman lang kami kunti"



Saad nito sabay ngiti.



QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon