PUPPY

622 45 9
                                    

Yoko pov 

Nakabalik na kami ng manila. At ngayon nandito kami sa pet shop para bilhan ng aso si yanna. 

“Nakapili ka na ba princess?” 

Hindi naman mapakali si yanna kung aling aso ang pipiliin niya. Lahat kasi ng nandito ngayon ay napakacute kahit ako nahihirapan pumili. Napahinto naman ito sa pagpipili ng may isang maliit na aso ang lumapit sa kanya. Kulay gray ito na sobrang kapal ang balahibo. 

“Oh… I think that puppy likes you” 

Panay ang tahol ng maliit na aso kay yanna. Para itong laruan na de baterya kung titignan dahil ang cute nitong tumahol. 

“What kind of puppy is that?” 

“It’s a Teacup Pomeranian, their max height would be in 8 - 14 inches only” 

“What do you think? Should we buy it for her?

Napaisip naman ako. Oky lang naman siguro dahil hanggang 14 inches lang ang laki nito tapos ang cute pa. 

“Bakit ako ang tinatanong mo diba dapat si yanna” 

“Oo nga pala” 

Agad naman niyang nilapitan ang bata at kinausap. Hinawakan naman ni faye ang aso at binigay kay yanna. 

“How much for this one?” 

“350k po” 

“tumatanggap kayo ng card” 

“yes po” 

Talagang gagastusan niya si yanna ng ganun kalaki para lang sa aso. Akala ko mga aabot lang sa 20k ang aso na to dahil ang liit lang niya yun pala sobra pa. 

“Let’s go, bili tayo ng ice cream” 

Kinuha na ni faye ang cage ng aso at binuhat  si yanna sa kabilang kamay niya. Ako naman ang kumuha ng bag kung saan nakalagay ang freebies na binigay ng store sa kanila. 

“Hintayin niyo na lang ako rito. Anong flavor ang gusto niyo?” 

“Any flavor is fine” 

Umupo muna ako sa upuan. Nilapag naman ni faye ang aso sa mesa at pinaupo si yanna sa tabi ko. Pero nag muryot lang ito. 

“I want to go with you” 

“fine” 

Napailing na lang ako kay yanna. Habang tumatagal maslalo siyang napapadikit kay faye tulad na lang ngayon ayaw na niyang malayo rito.

“excuse me miss pwede bang makiupo?” 

Napatingin naman ako sa lalaki na nagsalita. Ang tangkad niya at sobrang puti pa parang kukunin na siya ng langit. 

“sorry pero may kasama kasi ako” 

“love/mama” 

Nagsabay pa talaga silang dalawa sa pagtawag. Ang bilis naman ata nilang bumili. 

“Boy, what do you want to my wife?” 

Kinurot ko naman sa tagiliran si faye dahil sa pagsindak nito sa lalaki. 

“Nothing. I need to go, sorry sa pangiistorbo” 

Humingi naman ng pasensya ang lalaki sabay alis. Nasindak ata kay faye. Magkasingtangkad lang kasi sila pero yung mukha ni faye parang mangangain na. 

“Bat mo naman sinindak yung tao” 

“No I didn't tinanong ko lang naman siya” 

Ininjoy na lang namin ang icecream na binili nilang dalawa. Yung aso namn tahol ng tahol mukhang gusto rin ata niya ng icecream pero hindi pwede dahil chocolate flavor ang binili nila. 

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon