⚠️

1.6K 40 3
                                    


Yoko pov

Gabi na ng makauwi kami. Nagtatawanan parin kami ng makababa na kami ng kotse. Pinagkwekwentohan kasi namin si anda. Habang papalapit kami sa bahay may naririnig kaming malakas na halakhak kaya napatahimik kaming tatlo.

"may bisita ba?"

Tanong ni becky bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Dali dali akong lumapit sa tambayan at Napatigil ako ng makita ko ang taong kanina ko pa inaasahang dumating.

"be careful baka ma dapa ka"

Patakbo kasi akong lumapit sa kanya. I really miss this woman.

"nandyan ka naman para saluhin ako diba"

She just poke my nose at hinalikan ako sa noo. Na miss ko tong amoy niya at lalo na yung malambot niyang labi.

"faye tagay mo na"

Kinuha niya naman ang baso na siyang inabot ni itay sa kanya.

"bihis na muna ako"

"labas ka agad dito ha"

"oummm"

Pumasok na ako sa bahay para mag bihis. Nakita ko naman ang mga damit ni faye na nakakalat lang sa ibabaw ng kama. Hindi talaga siya marunong mag ligpit ng damit niya.

"nako faye alam mo bang parati kang inaabangan ni yoko rito. Umaga pa lang dito na naka tambay yan"

Pinandilatan ko lang naman si ate Cha ng makalapit ako sa kanila. Binuboko talaga ako ng mga to. Pansin ko naman na wala na si itay dito.

"nong nakaraan pa sana ako uuwi pero may emergency kasi sa opisina kaya na delay ang pag uwi ko"

Kaya pala natagalan siya. Wala naman akong magagawa dahil importante yung trabaho niya.

"nga pala kamusta si papa?"

"pshhh... Yung gago hindi na nirespeto ang bahay ni mama don pa talaga sila nag lalampungan ng secretarya niya"

Hinampas ko naman ng mahina ang braso niya dahil hindi ko nagustuhan ang pananalita niya tubgkol sa ama niya.

"anong secretarya baka kamo sextarya"

Nag tawanan naman sila sa sinabi ni lux.

"mahirap talaga basta masamang damo matagal mamatay"

"infairness kahit matanda na si papa ang babata ng mga nabibingwit niya"

"hindi naman kasi tumatanggap ng 25 pataas yan. Pag nag hihire siya ng bago niyang secretary 20 - 25 ang edad"

"mabuti hindi niya na papabayaan ang kompanya"

"I saw the report and wala namang problema simula nong nawala ka"

"that's good to hear"

"hep... hep.. What's that?"

Binuksan naman ni ate cha ang isang alak at sinalin ito sa isang baso.

"hindi pwedeng kayo lang ang iinom dapat kami rin"

Kahit kailan hindi talaga magpapatalo to. Nag simula na rin kaming uminom para raw naka habol kami sa mag kakapatid. Hindi ko alam na race pala tong inoman session na to.

Lumalim na ang gabi at paubos na rin ang iniinom namin. Mukhang na tamaan na ata ako dahil biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"mga mahihinang nilalang lasing na ata kayo"


QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon