ASAWA

884 32 7
                                    

Yoko pov

Napamulat ako ng mga mata ko dahil sa sinag ng araw na tumatama sa Mukha ko. Napaupo ako sa kama at nag unat ng katawan.

Napansin ko naman na wala na pala rito ang katabi ko. Ang aga naman ata niyang nagising. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto.

"bilisan niyo!"

Napadungaw ako sa labas sa narinig ko. Nakita ko si itay na nakatayo at may hawak na pamalo at yung Lima naman Ay may buhat buhat na mga container.

"puno na po ang tangki uncle"

Napatingin ako sa tangki na tintutukoy nila. Ang laki naman ata nitong tangki ng tubig. nakailang balik kaya sila.

"mabuti naman kung ganon, ngayon bibigyan ko kayo ng isang oras para mag almusal at mag handa dahil pupunta tayo ngayon sa taniman"

Hingal na Hingal naman sila ngayo na naka sandal sa mga puno. Hindi rin mapinta ang mga Mukha nila sa narinig nila.

"this is bullshit gusto ko ng umuwi ng Manila"

Reklamo nong nakaaway ko. Kung hindi ako nag kakamali Lisa ata pangalan nito.

"woman make me some coffee"

Tinitigan ko naman ngayon ang kapre na nakatayo sa harap ko. Ano akala nito sakin utusan niya. Aba hindi pwede.

"may kamay ka naman diba kaya gumawa ka ng sarili mong kape"

Tinalikuran ko na siya at pumasok sa loob ng bahay. Ano akala niya sakin katulong niya. Baka nakakalimutan niya na terirtoryo ko to.

"paano Kong gawin na lang natin yung kasunduan nila sa ganon matapos na tong set up na to. Ayaw mo Kong makasama dito at mas lalo namang Ayaw kitang makasama"

Napalunok na lang ako sa sinabi niya. Una hinalikan niya ako ng walang pasabi Tapos ngayon gusto niya na gawin na namin yung kasunduan na ginawa nila para samin.

"alam mo ikaw apaka.."

Pag harap ko sa kanya na gulat ako dahil wala na siyang tshirt. Napaatras naman ako Habang papalapit siya sakin. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa tyan niya. Shett.. Ang ganda ng abs niya.

"do you love what you see right now"

Napasandal na ako ngayon sa pader at mukhang wala na akong kawala rito sa babaeng to. Lord help me.

"ngayon wala ka ng kawala"

She corned me at nilapit niya ang Mukha niya sa mukha ko at amoy na amoy ko na ang hininga niya. Nagkatinginan kami mata sa mata hanggang na bumaba ang tingin ko sa mga labi niya.

"gagawan mo ko ng kape o hahalikan kita"

Tinulak ko naman siya ng mahina para makawala ako sa kanya pero mas malakas siya sakin mga beh.

"ano ba ang baho ng hininga mo"

Pag sisinungaling ko para tigilan niya lang ako pero yung kapre ngumiti lang. Aysheeyyttt.. Ang ganda niya pag nakangiti.

"really"

Bigla naman akong nanigas ng Nilapit niya pa lalo ang Mukha niya sakin. Hindi ko na kaya to.

"Oo na pag titimpla na kita"

Umatras na siya kaya nakahinga na ako ng maluwag.

"ang dali mo lang naman palang kausap. Black coffee without sugar"

Pshhm... Umupo na siya sa upuan at ako naman Ay lumapit sa kalan. Napansin ko naman na meron ng mga kahoy rito. Baka tinuruan sila ni itay magbsibak.

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon