LIHI

756 37 1
                                    

3rd person pov 



makalipas ang ilang araw nag simula na ang paglilihi ni yoko. lahat ng gusto niya ay agad namang binibigay ni faye sa kanya kaya sobrang saya nito palagi. madaling araw na at sarap na sarap na ngayon ang tulog ng lahat ngunit si yoko ay kanina pa binabagabag ng kanyan isipan kaya panay ang balikwas nito sa higaan. 



"arghhh..."



inis na inis itong napaupo mula sa pagkakahiga sa kama nila ni faye.



"babe? may problema ba?" 



tanong ni faye kay yoko habang kusot kusot nito ang mata niya dahil na alimpungatan ito sa pag galaw ni yoko. 



"may gusto akong kainin pero hindi ko alam kung ano"



hinaplos lang naman ni faye ang buhok ni yoko at hinalikan nito ang balikat ng kasintahan niya.



"let's figure it out"



tango lang naman ang tanging sagot ni yoko. 



"what do you want manok, baboy, fish, fruits, or veggies?"



para naman silang dalawa nag lalaro ng pinoy henyo para mahulaan lang kung ano talaga ang gusto ni yoko. bigla namang napangiti si yoko at mukhang na hulaan na nito ang gusto niya.



"street food"



"for real? saan tayo bibili ng street food eh panigurado sarado na ang lahat ng vendors sa bayan dahil hating gabi na"



bigla namang nalungkot ang mata ni yoko sa sinabi ni faye sa kanya. naalala naman bigla ni faye ang sinabi ni george sa kanya na dapat lahat ng gusto ng isang buntis kailangan ibigay dahil kung hindi walang mamanahin ang bata sa ama nito. 



"fine, mag bihis ka try natin tignan if meron pang bukas na street food sa bayan"



bigla namang sumigla si yoko at hinila nito si faye papalapit at hinalikan ito sa pisnge.



"tara na"



hinawakan na ni yoko ang kamay ni faye at hinila palabas ng kwarto nila. lumapit naman muna si faye sa cabinet nila para kumuha ng jacket.

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon