SELOS 2.0

911 38 12
                                    

Faye pov

Pag gising ko wala na si yoko sa tabi ko. Umupo naman ako at hinilot ang leeg ko. Saan kaya pumunta yun.

Lumabas ako para tignan if ready na ba ang kape ko pero walang nakalagay sa mesa.

"HAHAHAHHA... totoo ba?"

Binuksan ko ang pinto at tama ang hula ko magkasama nanaman silang dalawa.

"Yo, where is my coffee?"

Hindi naman niya ako pinansin. Patuloy lang silang nag tatawanan ng kaibigan niya. I have no choice kundi gawan ko ang sarili ko.

"Himala!"

"Ouchh"

Napasaway naman ako sa sakit. Bwisit na kuto na to nabuhusan ko tuloy ang darili ko ng kumukulong tubig. Lakas talaga niyang mang gulat.

"Sorry!!"

"Sakit!!"

Napapakagat na lang ako ngayon sa daliri ko na sobrang pula. Dali dali naman akong mukuha ng tabo at tubig. Nilubog ko ang kamay ko sa tubig para kahit papaano gumaan ng kunti.

"Anyari?"

Tarantang tanong nina cha at jennie. Napatingin naman sila sa kamay ko na nakalubog sa tabo.

"Nagulat kasi siya kaya ayan nabuhusan ng kumukulong tubig ang kamay niya"

Piningot naman ni jennie ang tenga ni lisa.

"Bat mo kasi ginulat"

"Aray! Na amaze lang kasi ako dahil for the first time nakita ko na nag timpla ng kape ang kapatid ko"

Ang ingay talaga ni lisa. Kinuha ko na ang kamay ko sa tabo at binalik ito sa kusina. Pinagpatuloy ko na ang pag timpla ng kape ko.

"Faye, oky ka lang?"

Tanong ni charlota sakin. Nginitian ko lamg naman siya sabay thumbs up.

"Merong aloe vera na tanim si inay don. Sandali kunan kita"

Kami na lang ngayong tatlo ang naiwan dito sa loob ng bahay. Himas himas parin hanggang ngayon ni lisa ang tenga niya.

"Akala ko ba si yoko ang nag titimpla ng kape mo"

"Lis hindi ko naman pwedeng iasa lahat sa kanya tsaka busy yun"

"Ohhh... Yun lang"

Buti pa tong si jennie at cha may care sakin. Yung isa hindi man lang pumasok at nag tanong.

Bumalik na si cha na may dala dalang aloe vera. Hiniwa naman niya ito at binigay sakin.

"Thank you!"

Kinuskos ko ito sa darili ko at mukhang gumaan naman siya ng kunti pero kumikirot parin talaga.

"Anyari rito?"

Wala namang ni isa na sumagot kay yoko. Hinila niya naman ang kamay ko at tinignan kaya napahiway ako.

"Yo, mag dahan dahan ka naman. Kita mo ng may sugat yung tao"

"Ano ba kasi ang ngyari?"

"Napaso siya ng mainit na tubig"

Nabalot naman ng pag aalala ang mukha niga ngayon.

"Masakit ba?"

"Hindi naman siguro ako mapapahiyaw kung hindi masakit"

"Ano ba kasi ang ginawa mo"

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon