BATTLE

1.2K 50 9
                                    


3rd person pov

Madaling araw na sobrang bilog at liwanag ng buwan. mahimbing na ang tulog ng mga garcia habang ang mga rodriguez naman ay nag hihintay ng hudyat ni faye.

Iniwan ni faye si yoko na mahimbing ang tulog sa kama at lumabas ng bahay para sumipol. Narinig naman ito ng mga kapatid niya kaya lumabas din ang mga ito.

"What's the plan?"

Nag uunat na tanong ni lux sa kapatid nito. Nilabas naman niya ang isang papel kung saan nakasaad ang plano nila para sa mag kapatid.

"Susulubin natin sila sa pamamahay nila. Tuwing gabi umuuwi ang mga kasamahan niya kaya silang dalawa lang na magkapatid ang natitira don"


Habang patuloy na nag paplano ang mag kakapatid may narinig silang tunog ng stick na nabali kaya naging alerto ang mga ito.

"Ano yun?"

"Shhh...."

Nabalot ng katahimikan ang lahat. Tanging huni lamang ng kuliglig ang bumabalot sa kanila ngayon.

"Lis, freen, kunin niyo ang mga baril sa ilalim ng mesa namin. Mag dahan dahan lang kayo baka magising si yoko"


Bulong ni faye sa mga kapatid niya. Alam niya kasing may nakikinig at nag mamanman sa kanila ngayon.

"Shiiitt.. mukhang marami sila"

Saad ni engfa ng may bigla silang narinig na nag tatakbuhan.

"Kung ako sa inyo lumabas na kayo dyan mga duwag!"

Hindi kalakasang sambit ni lux. Nag silabasan naman ang mga tauhan ni Philip at sinugod sila ng mga to.


Pinapalibutan sila ngayon ng mga kalalakihan at isa isa ang mga ito na sumusugod sa kanila. Hindi naman mawari ni faye kung sino ang uunahin niya.

May dala palang mga itak ang mga ito pero mabuti na lang at magaling umilag ang magkakapatid.

"Wag niyong hayaan na masugatan kayo kung ayaw niyong mapagalitan ng mga jowa niyo"

Todo ilag naman sila ngayon. Napatumba na nila ang kalahati kaya napahinga sila ngayon dahil kunti na lang ang kalaban nila.

Habang nakatalikod si faye meron isang lalaki na umamba na tagain siya sa likod buti na lang na hagis ni lisa sa kanya ang baril kaya pinaputukan niya ito sa paa.

"Arfghg... Wag po boss.. napag utasan lang po kami"

Binaba ng mga lalaki ang itak na dala dala nila at napaluhod sila sa sahig. Hinawakan ni faye ang buhok ng lalaki at pinatingala ito sa kanya.

"Sino ang nag utos sa inyo? Si philip ba?"

"Opo"

"Nasan siya ngayon?"

"Nasa bar po sa may bayan. Nandun po sila ni boss jacob"

"Malaman laman pa namin na umaaligid pa kayo sa mag kapatid na yun tutuluyan na talaga namin kayo. Kaya mag isip isip kayo kung mahal niyo pa ang buhay niyo"

Binitawan na ni faye ang buhok ng lalaki. Agad naman silang nag si takbuhan palayo.

"Tara na kailangan nating maturuan ng leksyon ang mga hayon na yun"

Galit na galit na tumungo si faye sa sasakyan nila ngayon. Binilinan naman ni engfa si freen at lisa na bantayang mabuti ang mag kakapatid dahil ba ka may sumugod ulit sa kanila.

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon