BWISITA

560 42 5
                                    


Yoko pov



"Ayan na ang kumot at unan mo"



Nilapag ko ang dala komg dalawang unan at kumot sa upuan kung saan siya matutulog ngayon.



"Thanks"



Saad nito habang pinapatuyo ang buhok niya gamit ang tuwalya. Pumunta siya rito na wala man lang dalang damit mabuti na lang hindi ko tinapon yung mga luma niyang damit.


Kung tinatanong niyo kong paano kami humantong sa dito well ganito kasi yun.



FlashBack



Nag mistulang akong istatwa ng makita ko si faye. Hanggang sa makaramdam ako ng kurot sa paa ko kaya napabalik ako sa uirat ko.



"Anong ginagawa mo rito?"



"Nandito ako para makita si yanna na miss ko kasi siya"



Agad naman nitong binuhat ang bata at pinugpog ng halik. Sa pagkakaalaam ko marami pa tong kailangan tapusin sa firm pero bakit nandito to.




"Faye nandito ka pala kumain kana ba?"



"Hindi pa po"



Tanong ni itay kay faye. Hindi man lang siya kumain bago siya pumunta rito.



"Yoko ano pa ang tinutunganga mo dyan asikasuhin mo ang bisita mo. Nga pala may cash ka ba dyan? Pahiram naman ako ng isang libo ibibigay ko lang sa kumpare ko"



Bisita? Bwisita kamo. Padabog naman akong tumayo at lumapit sa kanila ni itay. Kumuha ako ng isang libo at inabot kay itay.



"Salamat nak, faye dito kana matulog sa bahay ni yoko maluwag pa naman dito kumpara sa bahay ng mga kapatid mo"



"Baka magalit po ang fiance niya?"



Oo nga pala naalala ko si alex. Kmusta na kaya yun.



"Nako hindi yan ako ang bahala"



Para namang malalaglag ang panga ko sa sinabi ni itay. Gusto ko na tuloy bawiin ang isang libong binigay ko sa kanya.



"Yo, asikasuhin mong mabuti ang bisita mo. Faye, pag may ginawa siyang masama sabihin mo lang"



Bat parang mas anak niya pa ata si faye kisa sakin. Yung totoo sino ba talaga ag totoong anak nito.



"Yo, hainan mo na ng pagkain si faye baka gutom na yan"



Apakadesisyon talaga nitong ama ko. Nako amakana tay. Gigigil na ko sayo.



"Tara sa baba"



Utos ko kay faye. Pamamahay ko to kaya ako dapat ng masunod dito.



"Umupo ka na lang dyan"



Kinuhanan ko siya ng kanin buti na lang naparami ang saing ko kanina. Kinuha ko na rin ang ulam at nilapag ito sa mesa.



"Kumain kana"


Nag simula naman na itong kumain. Yung ulam niya ngayon ay adobong manok na may kangkong. Natakam nga ko at parang gusto kong kumain ulit.



"Sino ang nag luto nito?"


"Ako bakit may angal ka?"



"Kung saan saang bansa pa ako nakarating para mahanap ang lasa nato dito ko lang pala to matatagpuan"



QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon