Faye pov
Napako ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses na yun. Dahan dahan ko tinignan ang dereksyon kung saan nag mumula ang boses at nakita ko si ling. Ang mukha niya ngayon ay puno ng pagtataka.
“ling”
mahina kong pagtawag sa kanya, ang boses ko ay halos pabulong na lang. Agad naman itong lumapit sa amin ni Yoko, ang mga mata niya ay naglalakbay sa pagitan naming dalawa, parang sinusuri ang sitwasyon.
“What are you doing here?”
Tumayo naman ako at hinalikan ko siya para hindi siya mag suspetsya.
“I have a meeting here but na cancel yun last minute”
Mukhang kumbensido naman siya sa sinabi ko. Napatingin naman siya kay yoko ngayon.
“Babe”
Napatingin naman kami sa biglang nag salita. Anong ginagawa niya rito.
“Babe”
Pagbati ni yoko kay alex. Lumapit naman siya samin na ngumingiti. Tunayo naman ai yoko para salubogin siya.
“Faye, thank you sa pagsabay sa fiance ko. Hindi ko kasi inaasahan na tatagal ang ganon and meeting ko”
Nginitian ko lang naman siya ng pilit. Mabuti na lang dumating siya.
“No problem”
“Ling, nandito ka rin pala. Kung ganon double date pala to?”
Nag request naman ng 2 pang upuan si alex sa isang staff at dinagdagan na rin namin ang order namin kanina.
Magkaharap kami ngayon ni yoko habang si ling at alex naman ang magkaharap. Dumating na ang order namin. lalagyan ko sana ng pagkain ang plato ni yoko ngunit na alala ko na si ling pala ay nasa tabi ko lang.
“Thank you”
Saad nito after kong malagyan ang plato niya. Si alex naman na ang naglagay ng pagkain sa plato ni yoko. Kung hindi lang sana dumating ang dalawang to hindi sana masisira ang date naming dalawa.
“Mabuti naman at nakauwi ka pa ng ligtas”
Saad ni alex habang sinusuri ang wine na nasa baso niya. Ang tono ng boses niya ay tila may bahid ng pang-aasar, at ang tingin niya ay nakatuon sa baso, ngunit alam kong nakikita niya ang reaksyon ni Ling.
“Yeah, ganyan talaga basta mahal ni lord”
Bigla namang tumawa si alex at napatingin ng deretso kay ling. Ang ngiti niya ay may bahid ng panunukso, at ang mga mata niya ay kumikislap ng panunukso. Nag panggap pa itong naluluha sa kakatawa.
“Ang sabihin mo masamang damo ka lang talaga”
Ang tono ng boses ni Alex ay mas naging matalas, at ang ngiti niya ay nawala. Ang tingin niya ay nakatuon na kay Ling, at ang mga mata niya ay naglalabas ng galit.
“Masamang damo na kung masamang damo ang importante nakabalik ako sa asawa ko”
Bigla namang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa pag haplos ni ling ng paa ko. Ang haplos niya ay magaan ngunit may bahid ng pagmamay-ari, at nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.
BINABASA MO ANG
QUERENCIA
De TodoThis is a story of Garcia and Rodriguez Sisters. Cast : Faye x yoko Engfa x Charlotte Lux x prom Lisa x jennie Freen x becky