STRESS

557 48 6
                                    

Yoko pov

 

Nagising ako at grabe ang kalabog ng aking puso. Fuck! Panaginip lang pala. Akala ko talaga totoo. Bumangon muna ako para pakalmahin ang sarili ko. Nagpapawis kasi ako ng malamig ngayon. And I don't know what to do. Tumayo ako at naglakad papunta sa bintana. Sinilip ko ang labas.




Ilang minuto pa ang lumipas at kalmado na ang sarili ko. Nagpasya akong bumaba para kumuha ng gatas, sa pag-asang makakatulong ito para antukin ulit ako. Mag-aala-3 pa lang naman kasi, at mahaba pa ang gabi. Tahimik ang buong bahay, tanging tunog ng wall clock at mahinang huni ng kuliglig sa labas ang naririnig.




Pagdating ko sa kusina, agad kong binuksan ang ref at namili ng gatas. Sa kalagitnaan ng pag-iisip kung alin ang kukunin—fresh milk o chocolate milk—ay biglang may boses na bumasag sa katahimikan.



“Yo?” 


“Ay kabayo” 



Halos mabitawan ko ang hawak ko. sagot ko nang makita kung sino ang nagsalita. Hindi ko inaasahan na may tao pa sa kusina.


“Bat gising ka pa?” 


“Ikaw bat gising ka pa?” 


sagot nito, sabay lakad papalapit. Nang makarating siya sa tabi ko, inabot niya ang gatas na hawak ko at inagaw iyon.


“Bigla akong sinipa ng kapatid mo dahil amoy babae raw ako” 


aniya, kaswal pa rin habang binubuksan ang gatas. Muntik ko naman mabuga sa kanya ang gatas na kakainom ko lang. 


“yan babae pa” 


banat ko, sabay taas ng kilay habang tinitignan siya.


“babae ka dyan. Ni hindi nga ako umaalis na hindi siya kasama” 

“Eh paano niya nasabi na amoy babae ka?” 

tanong ko, sabay inom ulit ng gatas.


“Malay ko dun nananaginip nanaman ata na may kasama akong iba” 


sagot niya, sinabayan ng mahinang buntong-hininga na may halong pagod.


Inubos ko na ang gatas na sinalin ko sa baso ko at hinugasan ito. Nakakahiya naman kung iiwan ko lang ng basta basta tong ginamit ko. 


“Kamusta ang set up niyo?” 


biglang tanong niya, dahilan para matigilan ako at mapatingin sa kanya.

 

“nino?” 


sagot ko, kunot-noo habang naghuhugas ng baso.


“Ni faye” 


Pinatay ko ang gripo at pinunasan ang mga kamay ko gamit ang nakasabit na tuwalya. 


“Ganon parin” 


“Huh?” 



“Basta complicated” 



Nagpaalam ako na mauuna na sa taas. Habang paakyat ako ng hagdan, biglang bumigat ang pakiramdam ko. Naaalala ko ang tanong niya, at lalo akong napaisip sa sitwasyon namin ni Faye. Complicated. Tama nga naman, pero hanggang kailan?



Faye pov 


Ilang araw na ang lumipas, at pakiramdam ko ay wala nang katapusan ang pagod ko sa trabaho. Dalawa ang kaso na hinahawakan ko ngayon, at ang isa sa mga ito ay kakatapos lang ng hiring process.

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon