TROUBLE

736 37 2
                                    


3rd person pov


Patuloy na nag kakasayahan ang lahat sa birthday ng kambal. Hindi naman nila inalintana ang alak na iniinom nila dahil kunti lang naman ang epekto nito.

*bzzz... Bzzzz*

Napatigil si faye sa pag sasayaw ng biglang nag vibrate ang phone na nasa bulsa niya. Kinuha niya naman ito at ang nakalagay lamang ay unknown number.

"iihi lang ako"

Paalam niya kay yoko. Dali dali siyang pumunta sa gilid ng mansion kung saan hindi na masyadong rinig ang maingay.

"hello?"

Ilang sigundo pa bago sumagot ang tao sa kabilang linya.

"mabuti naman at sinagot mo na ang tawag ko. I called you since last week pero Mukhang kinalimutan mo na ata ako"

Hindi naman mawari ni faye kung sino ang kausap niya sa kabilang linya.

"do I know you?"

Nakapamewang at nakakunot na ngayon ang noo ni faye.

"so, you really forgot me na? Atty. Rodriguez"

Napasapo naman si faye ng noo niya ng ma recognise niya ang boses sa kabilang linya.

"atty. Kwong?"

"finally you recognise me"

Takang taka naman ngayon si Faye kung Bakit tumawag sa kanya ang matalik niyang kalaban sa korti.

"napatawag ka?"

"may gusto lang akong e clarify sayo"

Bigla namang lumakas ang tugtog kaya lumayo layo pa ng kunti si faye para marinig niya ng klaro ang sinasabi ni atty. Kwong sa kanya.

"lis, nakita mo si faye?"

Hindi naman mapakali si yoko dahil ilang minuto na ang nakalipas pero hindi parin nakabalik si faye sa gawi nila.

"nako bes baka nambabae na yun"

Hinampas naman ni yoko ng mahina ang braso ni drew at nag tawanan silang dalawa.

"tulungan mo kaya akong mag hanap"

"aba bakit jowa ko ba yan"

"ang pangit mong kabonding"

"joke lang ito naman. Tara hanapin na natin siya"

Hindi pa nakalayo sina yoko at drew nakita na agad nila si faye na naglalakad papunta sa gawi nila.

"saan kayo pupunta?"

"iihi, diba bes?"

"akala ko.."

Bigla namang inapakan ni yoko ang paa ni drew kaya hindi na ito nakapag salita.

"Tama, iihi kami"

Hinila na ni yoko si drew palayo kay faye. Himas Himas naman ngayon ni drew ang paa niya dahil sa sakit ng pagkaapak ni yoko nito.

"saan ka nag punta? Kanina ka pa hinahanap ni yoko nag kita na ba kayo?"

Salubong ni Engfa kay faye. Kumuha naman si faye ng inumin na dinadala ng waiter.

"oumm.. Nag kasalubong na kami kanina sa daan"

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon