PALAKA

1K 37 9
                                    

Yoko pov

Nandito kami ngayon lahat nag titipon tipon sa bahay nina inay. Nanonood kasi kami ng kdrama.

Habang papunta na sa exciting part ang pinapanood namin bigla namang bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang pag kulog.

"Pag ganitong mabasa ang lupa lumalabas ang mga palaka"

Agree naman ako kay ate cha. Matagal tagal na rin akong hindi nakakain ng adobong palaka.

"Kinakain niyo yun?"

"Masarap kaya diba girls"

Tumango lang naman kami.

"Anong lasa non? Hindi ba nakakadiri?"

Yung mukha ni lisa hindi mapinta habang iniimagine niya ang lasa ng palaka. Pinitik naman ni ate jen ang noo niya.

"Tikman mo para malaman mo. Si yoko kaya ang pinakamasarap mag luto ng adobong palaka"

"No thanks"

Mas lumakas naman ang pag buhos ng ulan kaya nagkatinginan kaming mag kakapatid. Pag ganito ka lakas lumabalabas na kami ng bahay para mamingwit ng palaka.

"Tay, san po kayo pupunta?"

Tanong ni ate jen kay itay na ngayon ay nakakapute at may hawak na maliit na baldi.

"Gusto raw kasi ng inay niyo ng palaka kaya hahanapan ko siya"

Ang sweet talaga ng itay ko. Sana all.

"Uncle pwedeng sumama?"

Kinurot ko naman si faye dahil nag presenta pa talaga siyang sumama eh ang lakas ng buhos ng ulan. Pag ito nag kasakit patay sakin to.

"Aw... Masakit"

"Wag ka ng sumama baka magkasakit ka pa"

"Wag kang mag alala malakas to"

Pinakita naman niya ang muscle niya na maliit.


"Sigurado ka? May kapute ka ba?"

"Maliligo na lang po ko"

"Sama rin ako"

Tumayo na rin ang iba pa niyang kapatid.

"Siya sige tara na"

Nag aalala naman ako kay faye ngayon ilang araw kasi siyang batak sa trabaho sa bukid tapos ngayon maliligo siya sa ulan.

Pinagpatuloy na lang namin ang panonood ng kdrama dahil malapit na itong matapos.



Faye pov



Ang hirap palang hulihin ang mga palaka na to. Akala ko madali lang ang bibilis pala nilang tumalon.


"Got it"

Nilagay ni engfa ang palakang nahuli niya sa baldi na dala dala ni uncle george. Nong una hirap na hirap kaming manghuli dahil gamit namin ay isang kawayan na may pain para lang kaming nangingisda.

Ginamit naman namin ang isa pang technique kung saan dadakmain lang namin ng mabilis ang mga palaka at wala pang 10 minuto may nahuli na kami. Mas mabilis to kumpara sa pag bingwit.

"Sobrang laki nitong mga nahuli natin panigurado masarap to"

Saad ni uncle george.

"Kinakain po ba lahat ng parti niyan?"

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon