PALENGKE

789 38 9
                                    

Faye pov

"Sa labas na lang kita hihintayin"

"Sige"

Lumabas na ako ng bahay at naabutan ko ang apat na nag bubulungan. Mukhnag hindi naman ata nila ako napansin kaya lumapit ako sa kanila.

"Sinasabi ko sa inyo rinig na rinig ko talaga ang hiyawan nila kagabi"

"Ano ang mga narinig mo?"

Sino ang pinag uusapan nitong mga unggoy na to. Pumwesto ako sa likuran nila para marinig ko ang usapan nila.

"Pag dinahandahan daw masarap pero pag binilisan masakit"

Abat.. binatukan ko si lisa na ngayon ay tuwang tuwa sa kinekwento niya na may kasamang pag unggol.

"Ang aga aga chismis agad ang inaatupag niyo. At sino yang pinaguusapan niyo huh?"

Napakamot naman sila ng ulo nila.

"Ang sabi kasi nitong ni lisa na rinig niya raw kayong nag aano ni yoko kagabi"

Bigla namang siniko ni lisa si freen. Tong kuto talaga na to ang daming nalalaman.

"Nag aano?"

"Ahh...ehh... Wala"

"Nag papahilot lang ako sa kanya kagabi kaya wag kang masyadong berde"

"Kaya nga yun nga ang sinabi ko nag hihilutan kayo. Ano masarap ba?"

"Tarantado"

Binatokan ko siya dahil alam kong iba nanaman ang tinutukoy niya dahil sa ngiti nitong nakakaloko.

"San punta mo?" - lux

"Sa palengke sasamahan ko si yoko"

"Sama na lang kami sa inyo para hindi gastos sa gas" - lux

"Bakit may bibilhin kayo?"

"Naisipan kasi ni prom na tumulong sa palengke. Nakita ko yung allan ba yun hindi ko na gustuhan yung mga titig niya kay prom nong nakaraan na pumunta kami don kaya kailangan kong bakuran"

Nakita na rin niya pala niya yung lalaki na yun.

"Pansin ko nga rin yun iba rin kung makangiti kay yoko kaya nag pasya akong samahan siya ngayon total wala naman akong gagawin"

"Oh.. nandito na pala sila tara na"

Kinuha ko yung dalang bag na maliit ni yoko at hinawakan ang kamay niya. Pinasok ko na sa loob ang dala niya at pinasakay ko na siya.

Dalawa lang ang kasya sa loob ng tric kaya silang dalawa lang ni prom ang sakay sa loob habang si lux naman ay nasa likod ko.

"Wala na ba kayong na iwan?"

"Wala na"

Pinaandar ko na ang tric at binaybay ang daan patungo sa bayan.

3rd person pov

Nakarating na ang dalawang pares na mag kasintahan sa pwesto ni julia. Ganon na lamang ang saya ng matanda dahil marami ito ngayong katulong sa pwesto niya.

"Oh.. kayo na muna ang bahala rito makikipag transaksyon lang ako para sa karagdagang gulay na ibebenta natin"

"Sige po nay"

"Nga pala Yo marami ang kailangan hakutin sa labas baka makita mo si allan ipahakot mo na lang sa kanya"

Bigla namang siniko ni faye si prom na siyang kinagulat ng isa.

"Kami na lang po ang hahakot ni prom aling julia. Saan po ba nakalagay?"

"Talaga ba? Kung ganon halika ituturo ko sa inyo"

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon