Faye pov
"Mabuti naman at gising kana ipatatawag pa sana kita kay manang. Umupo kana at sumabay samin kumain"
Nilibot ko ang paningin ko ngunit hindi ko makita ang kanina ko pa gustong makita.
"Where is yoko?"
Tanong ko kay papa pero hindi nito ako sinagot.
"Manang pakitawag nga po si yoko sa kwarto niya"
Utos ko kay manang. Nagising kasi ako sa lib na wala na siya sa tabi ko.
"Oo nga pala muntik ko ng makalimutan, pinapasabi ni yoko na uuwi raw muna siya sa kanila dahil may aasikasuhin siya. About naman sa schedule mo naayus na niya kaya wala ka na raw kailangan pang probelemahin"
What? Umuwi siya sa kanila ng wala man lang pasabi sakin. Ni hindi niya man lang ako inantay gumising.
"Diba malapit na ang bday niya?"
Rinig kong tanong ni lisa kay jennie.
"Kaya siguro umuwi siya para asikasuhin ang birthday niya"
"Kailan?"
Deretsyang tanong ko kay lisa. Parang ayaw pa atang sumagot nitong kuto na to.
"Sa sabado"
Sabado, eh tuesday pa lang ngayon. Pwede naman siyang umuwi ng thursday kung gusto niya.
"Oh saan ka pupunta?"
"Nawalan na po ko ng gana"
Iniwan ko sila sa hapag at dumeretso ako sa kwarto para kunin ang susi ng kotse ko. Hindi ako papayag na pagkatapos ng ngyari samin iiwan niya lang ako ng ganito. Kailangan kong matapos ang lahat ng gawain ko sa firm para masundan ko siya sa kanila.
Yoko pov
Kakalapag lang namin ni mang mando at inaya ko siyang mag almusa muna dahil batid ko na hindi pa ito nag almusal dahil maaga ko itong inistorbo.
"Mama!"
Sigaw ni yanna ng makita niya ako mula sa malayo. Tumatakbo naman ito habang papalapit sa akin ngayon. Na miss ko ang batang ito.
"Do you miss me?"
"Yes"
Bibong sagot nito sabay yakap sakin ng mahigpit. Pinaulanan ko naman siya ng halik sa mukha niya sabay buhat sa kanya.
"Mabuti naman at umuwi kana"
Salubong sakin ni inay.
"Nay, pwede niyo po ba munang pagkapehin si mang mando"
"Pwedeng pwede, halika sumama ka sakin"
Sumunod naman si mang mando kay inay. Habang kami ni yanna ay binabaybay ang daan pauwi saamin.
"Nakapag almusal kana ba?"
Tango lang ang sagot ni yanna sakin sabay siksik ng mukha niya sa leeg ko. Ganito siya pag nag lalambing sinisiksik niya ang mukha niya sa leeg ko.
"Yo, nakauwi kana pala. Kape gusto mo"
Mabuti naman at nandito si engfa. Andami ko kasing gustong malaman tungkol kay faye.
BINABASA MO ANG
QUERENCIA
RandomThis is a story of Garcia and Rodriguez Sisters. Cast : Faye x yoko Engfa x Charlotte Lux x prom Lisa x jennie Freen x becky