ASSUME

767 56 11
                                    

3rd person pov 


“Happy birthday” 


Yan ang bati ng mga taong kakarating lang kay yoko. Nginitian naman sila ni yoko at pinasalamatan. 



“Kain po kayo” 



Tinuro ni yoko kung saan nakalagay ang handa niya sa ganon ay makakuha na ang mga ito ng makakain nila. 



“Beshy!!! Happy birthday! Pasensya kana ito lang muna ang mabibigay ko sayo” 



Natuwa naman si yoko sa dala ni karen na bouquet pero ang laman ay bulaklak ng kalabasa. 



“Oky lang, sige na kumuha kana don” 



Naglibot libot naman muna si yoko para kamustahin ang mga bisita niya. Meron din kasing ibang konsehal ang pumunta sa birthday niya. 



“Where is the birthday celebrant?” 



“Don pedro”



Lumapit naman si yoko sa matanda at nag mano. Pansin naman nito ang malaking paper bag na dala ng matanda. 


“Here is my gift for you” 




Nanghihinayang naman si yoko na kunin ito dahil baka kung ano nanamang mamahalin ang binili ng matanda para sa kanya. 




“Ano po to?” 




“Buksan mo para malaman mo” 




Binuksan ni yoko ng paper bag at tumambad sa kanya ang sobrang daming perang papel na kulay asul. 



“Pera?” 




“It's worth million or more dahil nakalimutan ko ang bilang ko kanina. Hindi ko kasi alam kung ano ang ireregalo ko sayo kaya ayan ikaw na lang bumili ng regalo na gusto mo” 



“Don pedro ang laki naman po nito”




Hindi naman na nagprotesta si yoko dahil hindi naman siya mananalo rito. 



“Kulang pa yan sa kabutihan mo sa pamilya ko kaya sige na tanggapin mo na. Ngapala ilang taon kana ba ngayon?” 



"28 po"



"Bata mo pa pala si faye 35 na kaya niyo pa naman siguro makabuo ng isang team. Sana sa susunod na birthday mo may kalaro na yang apo ko. Asan nga pala ang apo ko?” 




Hinanap naman ni yoko ang makakapatid. 



“Ayun po” 




Turo nito sa magkakapatid na nagkakasiyahan sa ilalim ng puno ng mangga. 



“Hindi sila ang tinutukoy ko” 



“si yanna po nandun po siya sa taas kasama ang mga tita niya” 



Pinaupo naman muna ni yoko ang matanda at tinawag ang isang katulong ara kunan ng pagkain ang mga ito. 



“Nabati mo na ba si yoko?” 




Tanong ni engfa kay faye na ngayon ay nakatingin kay yoko sa malayo. 



“Hindi pa” 




“Kailan mo babatiin bukas?” 



“Tanga paano ko babatiin eh hindi nga ako pinapansin” 



QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon