DAUGHTER

931 45 20
                                    

engfa pov 



ako muna ngayon ang mag sasalaysay guys dahil ang inyong paboritong bida ay busy pa.



nakabihis na ang lahat at nag hihintay na lang kami kay yoko. hindi nga pala makakadalo si aling julia at uncle george sa bday ni lolo dahil may mahalaga daw silang pupuntahan kaya kami lang. pagabi na at dapat nadun na kami sa mansion dahil panigurado kanina pa hinihintay ni lolo tong paborito niyang apo. pero si yoko ang tagal dumating.



"natawagan mo na ba si yoko?"



tanong ko sa pinakamamahal kong kasintahan.



"kanina pa pero hindi niya sinasagot"



bat kasi nag tinda pa siya alam niya namang may pupuntahan kami ngayon.



*bzzz....bzzzzz*



nagkatinginan kami ni cha ng biglang nag ring ang phone niya. agad naman niya itong sinagot at nilagay niya ito sa loud speaker. 



"ate cha?"



"Yo"



"sorry ngayon ko lang nahawakan ang phone ko"



"gaga, asan ka na ba ikaw na lang ang hinihintay dito"



"yun nga ate hinihintay ko pa kasi si mrs. Fransisco kaya mauna na lang muna kayo susunod na lang ako. pakibantayan niyo na lang ng mabuti si yanna"



"haystt.. sige basta sumunod ka agad ha"



"oo, parating naman na si mrs. Fransisco"



pinatay na ni yoko ang tawag. si mrs. Fransisco kasi ay isa sa mga loyal customer nina yoko. bulkahi ang order non dahil marami siyang restuarant kaya ganon na lang kahalaga sa kanya si mrs.Fransisco. 



"sige na isakay mo na si yanna sa kotse puntahan ko lang sila"



binuhat ko naman na si yanna at sumakay na kami ng kotse. sa back seat ko na siya pinasakay para maluwag at makapagbasa siya ng walang sagabal. 

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon