DATE

903 33 3
                                    

3rd person pov

Habang busy sa pag tatanim ang mag kakapatid na Rodriguez at si George meron isang magarang sasakyan ang huminto sa taniman. Hindi nila pinansin ito at nag patuloy lang sila sa kanilang ginagawa.

"George"


Pag tawag ng lalaki na kabababa lang ng sasakyan niya. Hindi naman ito tinapunan ng tingin ni George.

"sir, pinapatawag po kayo ni mayor"

Nilapitan na ng guard ni mayor si George dahil sa pagmamatigas nito.

"pakisabi sa kanya wala akong oras para harapin siya. Wala ba siyang mata para hindi makita na busy kami ngayon sa pag tatanim?"

"sir, wag na po kayong mag matigas sandali lang naman po to"

Hindi naman nagustuhan ng mag kakapatid ang pamimilit ng guard kay George.

"bingi ka ba? Kalaki mong tao hindi ka makarinig"

Inis na Saad ni Lisa sa guard na namimilit kay George. Wala namang magawa ang guard kaya bumalik ito sa gawi ni mayor.

"negative"

Saad ng guard kay mayor ng makabalik ito. Hinubad naman ni mayor ang mamahalin niyang sapatos at binigay ito sa secretary niya. Nag aalangan pa siya nong una na tumapak sa putik pero hindi kalaunan umapak din siya para makapunta sa gawi ni George.

"kaibigan"

Pag tawag pansin ni mayor kay George.

"anong ginagawa mo rito romel?"

Seryosong tanong ni George kay mayor.

"gusto ko sanang humingi ng tawad sa ngyari nong nakaraang araw"

"Bakit takot kang mawala sa pwesto mo?"

"George hindi naman sa ganon"

"Alam mo kilala ko ang lahat ng magsasaka rito at isang sabi ko lang sa kanila na wag kang botohin gagawin at gagawin nila yun dahil malaki ang tiwala nila sakin"

"marami akong gustong ipatupad na proyekto na siyang makakatulong sa inyo sa pag sasaka. Sayang naman kung maalis ako sa pwesto.

"edi tama nga ako takot ka nga talagang malaglag"

"hindi naman kasi talaga ikaw ang pinunta ko rito kundi sila"

Tinuro naman ni mayor ang magkakapatid kaya napatingin ang mga ito kay George.

"kung nandito ka para humingi ng tawad sorry pero hindi namin mataganggap ang tawad mo"

"ma's mabuti ng umalis ka na lang po nakakaistorbo ka sa pag sasaka namin"

Bumalik naman sila sa pag tatanim. Napakamot na lang si mayor sa narinig niya mula sa mag kakapatid.

"paano ba yan mayor umalis kana raw"

Pagtaboy ni George kay mayor. Pakamot kamot naman ng ulo si mayor na Bumalik sa mga tauhan niya.



Faye pov



Kumakain na kami ngayon ng pananghalian dito sa silong. Inaya naming kumain si uncle George pero ayaw nito dahil busog pa raw siya.

"nong nakaraang eleksyon may kumalaban ba kay mayor?"

Tanong ko sa kanila. Dapat kasing mawala nong gago na yun sa posisyon niya. Dapat na siyang palitan.

"walang tumatakbo rito dahil nghihinayang silang gumastos ng malaki sa pangangampanya" - jen

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon