HORMONES

931 41 6
                                    

Faye pov


Nagising ako na wala na si yoko sa tabi ko. Pansin ko naman na iba na ang damit ko. Hindi ko na rin maalala ang ngyari kagabi.

Hinanap ko si yoko sa buong bahay pero hindi ko siya mahanap. Lumabas na rin ako at nag babakasakali na nandito siya sa labas.

"Faye?"

"Uncle"

"Nakauwi kana pala"

"Opo, kaninang madaling araw lang po"

"Hinahanap mo ba si yoko? Nako nandun sa palengke yun sinama ng inay niya"

"Namalengke po sila?"

Binaba naman ni george ang debomba na siyang ginagamit niya pang spray sa mga tanim niya.

"Kumuha si julia ng pwesto sa palengke. Sinasama niya si yoko don para tumulong sa ganon hindi siya mabagot kakahintay sayo rito"

Buti na rin na meron siyang ginagawa. Hindi ko rin kasi alam kung kailan talaga ang exact na araw na siyang pag uwi ko.

"George!"

Napatingin kami sa isang lalaki na medyo may edad na.

"Dindo, anong atin?"

Napakamot naman ng ulo niya ang lalaki. Mukhang nahihiya ata.

"May ibebenta sana ako sayo"

"Ano yun"

"Tricycle"

"Baka sira na yan kaya mo benebenta"

Napasandal lang naman ako sa pintuan habang nakikinig sa usapan nila.

" 1 taon pa lang sakin to. Kailangan ko lang talaga ng pera pang matrikula ng anak ko"

"Nako dindo pasensya kana wala kasi akong pera ngayon"

Naawa naman ako sa lalaki dahil biglang nalugmok ang mukha niya.

"Mag kano po ba ang benta niyo?"

Tanong ko. Kung ayaw ni uncle ako na lang ang bibili sa ganon makatulong ako sa kanya.

"Sino to george?"

Bulong ng lalaki kay uncle. Akala niya ata hindi ko na rinig.

"Manugang ko"

"50 mil"

"Ang mahal naman ata pre"

"Pwede po bang makita?"

Kailangan ko muna makita ang binebenta niya bago ko siya bayaran. Mahirap na baka marami palang sira ang tric niya.

"Ayan tignan niyo"

Mukhang maayos pa naman tong tric niya hindi na lugi sa presyong binigay niya.

"Pwede po bang masubukan?"

"Sure"

Sinakyan ko na ang tric at sinubukan. pinakinggan ko ang tunog ng makina niya at mukhang wala namang problema.

"Ano kukunin mo?"

"Kukuha lang ako ng pera"

Pumasok ako sa bahay para kumuha ng pera pag bukas ko ng tukador ko napansin ko na walang bawas ito. Kumuha ako ng pamabad kay dindo at lumabas.

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon