CRUSH

638 25 5
                                    

Faye pov

Katatapos lang namin ngayong malagay sa sako ang lahat ng na harvest namin. Nalagay na din namin ito sa bodega nina uncle George. Umupo muna kami sa ginawa naming tamabayan rito sa labas ng bahay Namin.

"wala naman na siguro tayong gagawin ngayong araw diba?"

Tanong ni Engfa na ngayon Ay sandal sa puno ng mangga.

"hintayin na lang natin si uncle George baka may papagawa pa siya satin"

Umupo naman na sila sa kabilang upuan. Hinanap naman ng mga mata ko ang mga anak ni uncle George pero ni isa wala akong nakita.

"kung hinahanap niyo ang mga anak ko wala sila rito. Inutusan sila ng itay nila na bumili ng mga handa para sa fiesta sa susunod na araw"

Bigla namang sumulpot si tiya Julia. Ilang araw na rin kaming naka tira rito at masasabi ko talaga na unti unti na kaming nasasanay. Dahil hindi na kami Kailangan pang gisingin ni uncle George kami na mismo ang kusang gumigising.

"ano pong ganap dito pag fiesta?"

Curios na Tanong ko. Ang layo kasi nila sa iba pang bahay kaya paano sila nag didiwang.

"pag fiesta sa probinsya kahit gaano pa kalayo ang bahay mo dadalawin at dadalawin ka talaga ng mga kaibigan mo pag Alam nilang nag hahanda kayo"

Sugod bahay pala ang ngyayari rito pag fiesta. Mukhang marami pala ang pupunta rito pag ganito. Apakafriendly kasi ni uncle George lahat ng mga nakakasulubong namin kilala niya.

"baka gusto niyong sumama?"

Tanong samin ni uncle George Habang inaayus ang sinturon niya. Purmadong Purmado ata siya.

"bibili ako ng buhay na hayop na kakatayin para sa pista"

Tinignan ko naman ang mga kapatid ko. Kung sasama sila edi sasama na rin ako nakakahiya naman kung mag pa Iwan ako.

"sige po"

Excited namang sagot ni Lisa. Pag sumama ang isa Dapat sasama rin ang lahat.

"Tara"

Hindi naman na kami nakapag bihis pa. Nakasando at short na maong lang ngayon ang suot namin Lima na nakasunod kay uncle.

Tpb

Nakarating na kami sa pag bibilhan ni uncle. Hindi naman niya sinabi na mahigit 1 oras pala tong byahe namin. Mabuti sana kung semento ang dinaanan namin pero hindi sobrang lubak nong daan.

"kumpare"

Nagkamayan na sila ng lalaking matanda na kakalabas lang ng bahay niya.

"nandito kami para bumili ng pang handa sa pista. Ano meron ka dyan"

Bigla namang may lumabas na maliit na bata. Sa tantsya ko nasa 1 tayong gulang pa lang ito dahil gumagapang lang ito papunta sa matanda.

"mahal si merna nakalabas!"

Sigaw ng matandang lalaki. Bigla namang lumabas ang isang batang babae mga nasa edad 17 or 18 pa lang ata. Anak niya ata.

"nako ikaw talagang bata ka"

Kinuha na ng babae ang bata at pinasok sa loob ng bahay nila. Ang cute nong bata sarap tirisin.

"yan na ba ang bagong mong asawa?"

Ano daw? Napatingin ako kina Lux dahil hindi ako sure kung Tama ba yung narinig Kong tanong ni uncle sa matanda.

"siya nga"

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon