SEPARATE

785 45 5
                                    

3rd person pov


Busy ngayon ang magkapatid na rodriguez sa pag tulong kay george sa pag harvest ng mga pananim niya.



Habang ang magkapatid na garcia naman ay nag luluto sa kubo ng kakainin ng mga kasintahan nila.

Naisipan kasi nilang gumawa ng maliit na kusina kung saan dito na lang sila mag luluto ng pananghalian ng magkakapatid sa ganon hindi na sila mahirapan umakay ng pagkain mula sa bahay nila.

"Tay! Tanghali na tumigil na muna kayo at kumain!"

Sigaw ni jennie mula sa kubo napatigil naman sila sa pag haharvest at lumapit na sa magkakapatid.

"Oh.. wag agad uminom ng tubig galing ka pa sa arawan"

Saway ni yoko kay faye. Umupo na lang naman na si faye sa tabi niya at nag punas ng pawis. Naliligo na kasi ito sa sarili niyang pawis dahil sa init ng araw.

"Ang sarap naman ata niyang niluto niyo"

Puri ni lux sa kanila. Ang dami kasi nilang niluto na animoy fiesta sa sobrang dami. Merong baboy, manok, gulay at inihaw na isda.

"Anong gusto mo pagkukuha kita"

"Ikaw"

"Tay, si faye ohh"

Nanlaki naman ang mata ni faye sa ginawa ni yoko.

"Ano yan?"

"Ah.. wala po uncle"

Hinampas naman ng mahina ni faye ang paa ni yoko na siyang nag pipigil ng tawa ngayon.

Kinuhanan na lang niya si faye ng makakain pero ng makabalik siya kay faye na may dalang pagkain bigla itong nahilo at mabuti na lang nasalo siya ni faye.

"Oky ka lang?"

Lahat naman sila napatingin kay yoko.

"Oummm"


Nginitian niya lang si faye at binigay ang plato na may pagkain rito.

Makalipas ang ilang minuto tapos nang kumain ang lahat kaya tumambay muna sila sa labas ng kubo.

"May bunga na pala ang rambutan"

Napatingin naman ang lahat sa puno ng rambutan. Marami rami na rin ang bunga nito pero kunti pa lang ang hinog.

"Bee kunan mo ko"

"Abat ikaw ang nakakita kaya ikaw ang kumuha"


Hinampas naman ni cha ang balikat ni engfa. Sanay naman na si engfa rito kaya hindi na siya nakaramdam ng sakit.


"Daig pa ata ni cha ang buntis kung mag crave. Fa kunan mo na yan sige ka pag hindi mo binigay ang gusto niyan kulang ng isang kamay ang magiging anak niyo"


Hindi naman mawari ni engfa ang sinabi ni prom sa kanya. Tinignan niya si cha at sinuri.

"Buntis ka?"

"Sino nag sabi?"

"Si prom"

"Naniwala ka naman"

Napakamot lang naman ng ulo si engfa. Dahil hindi niya alam kung kanino siya maniniwala.

"Gusto mo?"

Tanong ni faye kay yoko na siyang nakatingin parin ngayon sa bunga ng rambutan.

"Sana pero ang taas kaya wag na lang"

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon