CLAP SLAP

1.6K 48 31
                                    



3rd person pov



"sa tingin niyo ilang oras nanaman tayo uupo nito? Ang sakit na kasi ng pwet ko."



Nababagot na tanong ni becky sa mga kapatid niya. Sinama kasi ni George ang buong pamilya niya sa isang importanteng event.



"hayaan niyo na minsan lang naman to"



Saad ni jennie sa mga kapatid niya. Mahigit 1 oras na kasi sila ngayong nakaupo sa kanilang table.



"nakita niyo si yanna?"



Tanong ni yoko sa mga kapatid niya. Napatingin naman sa paligid ang mga ito para hanapin ang bata.



"nandito lang siya kanina"



Saad ni prom.



"san naman pumunta ang batang yun"



Napakamot na lang ng kilay si yoko sa kakulitan ng anak niya.



"I think I know kung nasaan siya"



Sabi ni engfa ng makita nito ang waiter na may dalang prutas. Agad naman itong tumayo at pumunta sa gawi ng catering, nag kunyari itong kukuha ng prutas. Tumingin muna siya saglit sa paligid at ng Makita nito na walang masyadong nakatingin sa gawi niya hinawi niya ang kurtina at tama ang hinala niya. Si yanna ay nasa ilalim ng mesa at kumakain nanaman ng strawberry.



"ikaw talagang bata ka"



Kinuha nito ang bata at binuhat. Kinuhanan na rin niya si yanna ng strawberry sa ganon hindi na ito pabalik balik sa ilalim ng mesa para mag tago.



"I found her"



Saad ni engfa ng makabalik sila sa table nila. Pinag sabihan naman ni yoko ang anak niya. Nag pasya na lang si engfa na kandungin ang bata hanggang matapos ang event sa ganon hindi na siya ulit mawala sa paningin ng ina niya.



"naiihi ako, yo, samahan mo nga ko"



Tumango lang naman si yoko at tumayo para samahan si cha sa cr. Naiihi rin kasi siya. Nag lalakad na sila patungo sa cr ng biglang napahinto si cha sa pag lalakad.

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon