BEAUTIFUL MISTAKE

834 44 21
                                    



Yoko pov




Binagsak ko na ang mga papeles sa desk ni faye. Sobrang kapal na ng mga papeles na dapat niyang permahan. Ilang araw na rin siyang hindi nakapasok dahil busy siya sa pag tulong sa pag hahanap kay ling.




"Hindi ka pa uuwi?"



"Ay kabayo!"



Ang hilig talagang manggulat nitong ni jane. May lahi ata tong kabuti or hindi kaya nong past life niya kabuti siya.



"Pauwi na, ikaw?"


"Tamang tama sabay na tayo"


Kinuha ko na ang bag ko at nag lakad kami ni jane papunta sa elevator. Nag kwentohan pa kaming dalawa about sa crush niya na ka same department niya lang naman hanggang sa makalabas na kami ng building.



"Andyan na pala ang sundo mo, paano una ko"



Nag beso muna siya sakin bago siya tuluyang lumayo. Pumasok na rin ako agad sa sasakyan na siyang nag hahatid sundo sakin papunta rito sa trabaho.



Nang makapasok kami ng gate ng mansion napansin ko ang sasakyan ni faye na nakaparada sa garahe. Ibig sabihin nito nakauwi na siya. Ang aga niya naman ata ngayon.



"Yo, nandito kana pala, akin na yang dala mo"




"Wag na po hindi naman po to mabigat"



Saad ko kay aling beth ng masalubong niya ako papasok ng mansion.



"Kumain kana ba?"



"Hindi pa po"



Nahihiyang saad ko.



"Siya sige na magbihis kana para makakain kana"



"Salamat po"



Pumanhik naman na agad ako sa taas para mag bihis. Kanina ko pa gustong palitan tong suot ko dahil medyo maliit ng kunti.



Nang makaakyat ako ng hagdan biglang nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito. Si ate cha pala tumatawag.



"Ate?"


"Hello, sistah, kamusta ang trabaho mo dyan hindi ka naman siguro pinapahirapan ng ex lover mo noh?"


Napairap naman ako sa sinabi niya.




"Hindi naman. Tumawag ka lang ba dito para itanong yan sakin?"



"Gaga, tumawag ako sayo para ipaalala ang birthday mo"



"Birthday ko!?"



napatingin naman ako sa paligid. Napalakas pala ang pag kabigkas ko.



"Nakalimutan mo nanaman noh?"




Chineck ko naman ang calendar ko at shiittt... 1 linggo na lang pala bago ang birthday ko. Magpapaalam na lang ako kay faye na uuwi ako sa probinsya sa susunod na araw.



"Tama ka nakalimutan ko nanaman.  Salamat sa paalala"



Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni ate cha. Kinikwento niya kasi ang mga ngyayari sa palengke. Pumasok na ako sa kwarto at nilagay ang mga gamit ko sa side table.




QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon