Ms. Sebastian

728 49 9
                                    

charllote pov 

kakarating lang namin at agad kong napansin ang elf truck na ginamit ni yoko kanina pag alis niya papuntang palengke. mabuti naman at nandito na pala siya. tulog na kasi ngayon si yanna sa back seat. 

"ako na ang bubuhat sa kanya"

pag presenta ni engfa. nauna siyang bumaba ng sasakyan at pinagbuksan niya ako ng pintuan. oh... ano ka dyan passenger princess to. hindi ko nga alam kung bat ang big deal sa kanya pag kumukusa akong mag bukas ng pintuan. 

"yo"

pag tawag ko kay yoko na siya ngayong kalalabas lang ng sasakyan. sinuri ko siya mula ulo hanggang paa, balot na balot kasi ito ngayon ng putik. para siyang taong putik. 

"anyare sayo?"

agad na tanong ko ng malapitan ko siya. yung mukha niya naman ay hindi mapinta.

"meron kasing tao na hindi marunong mag drive at kamuntikan na akong masagasaan kaya napatalon ako sa palayan"

bigla naman akong nag alala sa sinabi niya. mabuti na lang talaga at hindi siya napaano. 

"nakita mo ba yung plaka ng kotse?"

inalala niya naman ang plaka ng kotse na muntik ng makabangga sa kanya.

"hindi ko masyadong maalala pero siguro pag nakita ko ulit yung kotse ma aalala ko na yun"

"yo, anong ngyari sayo?"

pansin ko naman yung boses ni engfa na nag pipigil ng tawa kaya tinignan ko siya ng masama. 

"mahabang kwento. tulog na ba yan?"

"oo"

"akyat mo na lang sa kwarto"

tumango lang naman si engfa at sinunod ang sinabi ni yoko sa kanya. 

"kamusta ang party? nandon ba siya?"

"yep"

hindi ko na lang siguro sasabihin na nandon rin yung bakulaw baka kasi maslalo siyang masaktan.

"buti na lang pala talaga hindi ako pumunta dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya"

kahit inis na inis ito nararamdaman ko parin yung sakit na nararamdaman niya. 

"nag kita sila ni yanna, pero wag kang mag alala pinakilala namin si yanna sa kanya bilang anak namin ni engfa"

well, buti na lang talaga naka isip ng lusot si engfa kanina. 

"mabuti naman kung ganon, sige ate una na muna ako mag lilinis pa kasi ako ng katawan"

"sige"

umalis na si yoko para umuwi sa kanila. naiwan naman ako rito para hintayin si engfa. ang sabi ko sa sarili ko pag nakita ko si faye bibigyan ko ito ng mag asawang sampal pero hindi ko alam nong nag kaharap kami kanina hindi ako makagalaw.

"ang lalim ah, ano yang iniisip mo?"


nagulat naman ako sa pag dating ni engfa. 

"nag iisip ako kung anong magandang gawin sa kapatid mo"

napataas naman ang kilay niya sa sinabi ko. nauna naman na akong mag lakad pauwi sa bahay dahil ang daming lamok at pinupunterya nila ang legs ko. 


yoko pov 



isang tilaok ng manok ang gumising sakin. ayuko pa sana mag mulat ng mata pero merong maliliit na kamay ang siyang sumusundot sa pisnge ko. 

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon