LAUNDRY DAY

679 31 0
                                    

Faye pov

Pinagmasdan kong mabuti si yoko na ngayon ay nakahiga sa braso ko. Dahan dahan kong kimuha ang kamay ko at inayos ko ang unan niya sa ganon hindi siya magising.

Binuksan ko ng dahan dahan ang pintuan ng kwarto at lumabas kung saan sila ngayon nag tipon tipon. Nag taka naman ako dahil ang lapad ng ngiti ni engfa ngayon.

"anyari dyan?"

Para kasi siyang baliwa na nakangiti at nakatulala. Katatok gabi pa naman.

"kanina pa yan ganyan Bro"

"pakibatukan nga"

Utos ko kay lux. Binatukan naman niya si engfa kaya gulat na gulat itong napatingin samin.

"kanina ka pa nanaginip ng gising boi"

"sorry, hindi kasi mawala sa isip ko na sinagot na ko na charlota"

"yownn!!"

Pinagkukurot ko naman sila dahil sa ingay nila. Baka kasi magising si yoko.

Good to know na may label na silang dalawa. Alam naman kasi namin kung gaano ka hulog tong kapatid namin Don kay charlota.


"ingay niyo, Alam niyo naman na may natutulog na. Fa, kamusta ang mission mo?"

Naging seryoso namin na kaming lahat. Nilabas ni engfa ang papel at nilapag sa harapan namin. Hindi ko naman maintindihan ang dereksyon na ginuhit niya.

"dito tayo dadaan, Tapos dito tayo lalabas"

Napakamot ako ng kilay ko dahil gulong gulo talaga ako sa guhit niya. Parang connect the dot.

"ako lang ba pero hindi ko talaga maintindihan ang guhit nito"

"same"

See, kahit sila gulong gulo rin dahil sa sulat niya. Siya lang ata na kakaintindi ng ginawa niya.

"ikaw na lang bahala dyan sa ruta na tatahakin natin total ikaw lang naman ang nakakaintindi ng mga sinulat mo"

Kinuha na niya ang papel at binalik sa bulsa niya.

"mag handa na kayo may huhukayin tayo"

Binigay ko na sa kanila ang tag iisang pala na siyang gagamitin namin sa pag huhukay.

"let's dig it in"

Binigay na sakin ni engfa ang susi at lumapit na kami sa kotse.

Wala pang 20 minuto nandito na kami sa pinaglibingan namin ng mga laruan namin. Bumaba na kami hawak hawak ang mga pala namin. Hinanap namin ang marka na Iniwan namin dito.

"ayun"

Dali dali naman kami pumunta sa tinuro ni Lisa. Meron itong cross na sign kaya ito na nga yun. Nag simula na kaming mag hukay. Hindi pa malalim ang nahukay namin pero lumabas na ang mga pera na binaon namin dito.

"grabe akalain niyo yun hanggang ngayon hindi parin Alam ni lolo na kulang na yung collection niya ng mga baril"

"pag nalaman non na tayo ang kumuha ng mga baril niya panigurado kulang ang 1000 push ups"

Nag tatawanan naman kami Habang nag huhukay. Napatigil lang kami ng bigla kaming may narinig na kaluskos.

"ate!"

Bigla naman kumapit sa braso ko si freen at Lisa. Tinutukan naman namin ng flashlight ang gawi kung saan ng galing ang kaluskos.

"ano ba kayo mga hayop lang yan. Sige na bumalik na kayo sa pag huhukay"

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon