ACCIDENT

966 38 0
                                    

Yoko pov


Minulat ko ang mga mata ko at bumungad si faye sa paanan ko na nag bibihis. Bigla naman akong kinabahan at tiningnan ang katawan ko sa ilalim ng kumot.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na may saplot pa naman ako. Akala ko kung ano ng ang ngyari kagabi. Ang huling naalala ko kasi yung nag 1 on 1 kami.

"arghh"

Daing ko ng makaupo ako. Ganito pala ang feeling ng na sobrahan sa Alak.

"that's hangover. Drink this"

Inabot niya sakin ang isang biogesic at tubig. Ininom ko naman agad to dahil hindi ko kaya ang sakit ng ulo ko ngayon.

"sige na mag pahinga kana muna dyan ako na ang bahalang mag luto"

Lumabas naman siya ng kwarto. Inayos ko naman ang sarili ko at Lumabas para tignan Kong ano na ang ginagawa niya.

last time kasi na nag luto siya muntik na niyang masunog tong buong bahay dahil naparami ang nalagay niyang gas sa kahoy.

"diba ang sabi ko mag pahinga ka"

Nakaapron pa siya ngayon at nakapamewang.

"nag papahinga naman ako ah"

Sagot ko sa kanya. Tinuon na lang niya ulit ang atensyon niya sa ginagawa niya. Ano kaya ang lulutuin nito.

Mahigit 30 minuto na ang lumipas at sa tingin ko Ay Tapos na siya sa pag luluto. Tamang Tama dahil gutom na rin ako.

"tadaa"

Hindi ko naman Alam kong ano ang magiging reaksyon ko sa putahing nilapag niya.

"kaldereta? Ito pa ata yung tira kagabi"

"but I heated it up with love"

May pakindat pa siya sakin ngayon. Amptt.. Ano na naman tong nakain niya Bakit ganito siya ngayon. Akala ko talaga pag lulutuan niya ko. Ininit niya lang pala yung tira kagabi.

After namin kumain lumabas agad ako at pumunta sa tambayan dahil nandito sila ngayon nag titipon tipon.

"pinag uusapan niyo?"

Napatigil naman sila sa pag sasalita at tumingin sakin.

"we're planning to swim sa sinabing ilog ni jennie"

"sama kayo ni ate bestfriend para mas marami mas masaya"

Napaisip naman ako sa sinabi ni freen. Total sobrang init ngayon masarap maligo sa ilog dahil sobrang lamig Don.

"sige, sasama kami"

"yownnn!!!"

"sige na mag prepare na kayo ng dadalhin niyo. Tatanongin ko si itay kung pwede niya bang pahiram satin ang pick up para pwede tayong mag dala ng mga kaldero na pag lulutuan natin Don"

Hindi naman kalayuan ang ilog mga mahigit 1 oras lang naman ang lalakarin mo bago ka makaratng don. Pero kung kotse ang gagamitin mo wala pang 20 minuto nandon kana.



Lisa pov



Nandito na kami sa kotse at ready na kaming maligo sa ilog pero si ate faye at yoko hanggang ngayon hindi parin nakalabas sa bahay nila.

"kung sunduin ko na kaya?"

Suggest ko sa mga kapatid ko. Ang tagal kasi excited na kasi ako mag tampisaw.

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon