⚠️WARNING⚠️

1.2K 55 15
                                    

Enjoy reading......

Faye pov 




“Bat nakabusangot ka?”




Tanong ni freen ng makalabas ako ng elevator. Bumaba muna ako dahil sobrang sakit ng puson ko. 




“Wala” 





Tanging sagot ko lang sa kanya sabay upo sa bakanteng upuan na nasa gilid niya. 





“alam ko ang mukha na yan eh” 




Napatingin naman kami ni kay lux na ngayon ay may dala dalang fries. 





“Mukha ng?” 





“Mukha ng nabitin” 





Bigla naman silang nagtawanang dalawa. Mga gago talaga. Kung ano ano ang sinasabi. 





“May bagong bukas pala na bar dyan sa kabila baka gusto niyong pumunta mamaya. May binigay kasi silang voucher” 





Kinuha ko naman ang voucher kay lisa. Soft opening nila mamaya at namimigay sila ng 500 voucher. 





“Punta kayo?” 





Kung pupunta kami walang magbabantay kay yanna. 






“Pagiisipan ko muna” 





“Wag mo ng pagisipan sumama kana” 





“Oo nga minsan lang naman to” 





“Mga tanga kung ako lang sasama ako pero kasi walang kasama si yanna” 





“Problema ba yan? Miss!” 





Lumapit naman ang isang babae staff na tinawag ni lux. 





“Gusto mo ba ng extrang income?” 






“Sysmpre po” 





“Ganito, mamaya kasi mag babar kami dyan sa kabila. Eh walang mag babantay sa anak niya baka pwedeng ikaw na lang muna? Wag lang mag alala she will pay you 5k” 





Bigla namang nanlaki ang mata ng staff na kinausap ni lux. Sino hindi matutuwa sa 5k na nakikitain mo sa isang gabi lang. 






“Sige po” 





“Yown naman pala. Tawagin ka na lang nami mamaya. Nga pala anong pangalan mo?” 






“paula”  





“Sige paula mamaya na lang ulit” 






Umalis naman na si paula para bumalik sa trabaho niya na nakangiti. 





“Solve na ang problema mo kaya wala ka ng dahilan pa para hindi sumama samin mamaya” 





Basta gusto may paraan talaga. Nakita ko naman sina yanna at yoko na palabas ng elevator. Lumapit naman sila samin kaya binuhat ko si yanna at pinaupo sa lap ko. 





Sumapit na ang hapon at nagsilabasan na ang iba pang tao para maligo. Kanina kasi kunti lang ang nagsiligo dahil sobrang tirik ng araw. 






“Wala ba kayong bola ng volleyball dito?” 





“Meron, nag paparent kami ng bola rito” 





QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon