Yoko pov
Ang sarap ng tulog ko kaya maganda ang gising ko ngayong araw na to. Nakapag ayos na ako ng sarili ko kaya nagpasya na akong lumabas ng kwarto.
Nagulat naman ako ng makita ko ang dalawang katulong ni inay na nandito sa pamamahay ko. At mukhang titig na titig sila kay faye.
"Ang laki"
Kumunot naman ang noo ko sa narinig ko. Ano ag tinutukoy nilang malaki?
"Anong ginagawa niyo rito sa pamamahay ko?"
Nakacross arm na tanong ko sa kanila. Nagulat naman sila kaya napatayo silang dalawa mula sa pagkakaupo.
"Pinapunta po kami rito ni ate cha para kunin ang pambayad niyo sa mga hayop na pinabili niyo"
Ako pala ang pakay nila pero si faye ang binalingan nila ng atensyon.
"Hintayin niyo na lang ako sa baba"
Utos ko sa kanilang dalawa. Mukhang nasa 21 or 22 pa lang ata ang edad ng mga ito dahil kung kumilos ay parang mga neneng pa.
Tinignan ko naman si faye at yanna na hanggang ngayon ay sarap na sarap parin sa pagtulog nila. Habang pinagmamasdan ko silang dalawa napadako ang paningin ko sa paanan ni faye. Napansin ko ang bukol sa gitna ng hita niya kaya napailing ako. Kinuha ko ang unan sa paanan niya at nilagay ito malapit sa tyan niya.
"Magkano raw lahat?"
Tanong ko sa dalawang katulong na nag bubulungan ngayon dito sa baba.
"275k po lahat"
"Sandali kulang ata ang dala ko"
Umakyat ulit ako sa taas para kumuha ng pera sa kwarto. Akala ko kasi mga nasa 150k lang ito kulang pala.
"Goodmorning"
Bati sakin ni faye habang nakaupo at kinukusot ang mata niya.
"Mamayang gabi dito kayo ni yanna matulog sa loob"
"Bakit?"
"Mukha kasing hindi kayo kumportable dyan"
"Oky la---"
"Sumunod ka na lang"
Pumasok na ako sa loob ng kwarto para kumuha ng pera. 2 araw na rin siyang natutulog don sa upuan at naawa na ako sa kanya dahil mukhang sumasakit na ang likod niya.
Binalikan ko naman agad ang dalawang katulong at binigay sa kanila ang pera. Nagpaapoy ng kahoy na siyang gagamitin ko para sa pagluto ng umagahan ng dalawa.
Faye pov
Anyari don bat ang sungit nanaman ata non. Kinuha ko naman ang cellphone ko at tinignan kung may message ba ako mula sa mga magulang ni ling pero ni isa wala.
"Tata"
Mahinang pagtawag ni yanna sakin kaya binaba ko ang cellphone ko at binuhat ko siya.
"Gising na princess yung mga manok mo kailangan mo ng pakainin"
Siniksik niya ang mukha niya sa dibdib ko kaya hinayaan ko na lang muna siya.
"I want milk"
Kinuha ko ang dede niya sa mesa pero wala na pala itong laman.
BINABASA MO ANG
QUERENCIA
RandomThis is a story of Garcia and Rodriguez Sisters. Cast : Faye x yoko Engfa x Charlotte Lux x prom Lisa x jennie Freen x becky