3rd person pov
Ilang araw nang gabi kung umuwi si Faye. Kung hindi lasing, parati namang pagod at hindi magawang makipag-usap ng maayos. Ang bawat yapak niya sa mansyon ay parang nagpapahiwatig ng bigat ng mundong hindi niya kayang alisan.
Pagbukas ng pinto, sinalubong siya ni Ling na halatang hindi na mapakali sa paghihintay sa kanya.
“Bakit ngayon ka lang?”
tanong ni Ling, ang boses niya’y malamig ngunit nanginginig, puno ng frustration.
Napatingin si Faye sa relo sa kanyang pulso, saglit na ngumisi na parang wala siyang nakitang problema.
“Bakit? Alas dos pa lang naman ah,”
sagot niya, bahagyang tipsy, kasabay ng malabnaw na ngiti. Ang amoy ng alak ay mabilis na sumingaw mula sa kanya, kaya’t hindi na kinailangan ni Ling ng sagot pa.
“Uminom ka nanaman?”
Hindi pinansin ni Faye ang tanong at nilampasan ang asawa. Dumeretso siya sa kusina, naghahanap ng kung anong makapagpapakalma sa kanya. Ngunit hindi sumuko si Ling.
This past few days, parati ka na lang ganyan, Faye,”
sabi ni Ling, sinusundan ang bawat hakbang ni Faye. Ang boses niya ay mas matindi na ngayon, puno ng paninita at pagkabigo.
Habang si Faye ay nagbubukas ng ref, napadako ang tingin ni Ling sa kanyang kwelyo. Hindi niya napigilang mapansin ang bahid ng lipstick sa damit nito—isang pulang marka na para bang sumisigaw ng kataksilan.
Nilapitan ni Ling si Faye, ang kanyang mga kamay ay bahagyang nanginginig habang itinuturo ang kwelyo.
“What the fuck is that?”
tanong niya, mas malakas ang boses, ngunit puno ng poot at pag-aalala. Iniwas ni Faye ang tingin, pilit na nagtatago sa galit ng kanyang asawa. Walang imik, kinuha niya ang isang bote ng tubig mula sa ref at sinimulan itong inumin na parang walang nangyayari.
“Sagutin mo ako!”
sigaw ni Ling, lumalapit sa kanya at pilit na hinihingi ang paliwanag. Ang kanyang boses ay basag, na para bang hindi na niya kayang pigilan ang emosyon na namumuo sa kanyang dibdib.
"None of your business."
Diretsahang tugon ni Faye, ang boses niya’y puno ng lamig, na parang walang halaga ang kanilang usapan.
Napaatras si Ling, tila hindi makapaniwala sa narinig. Ang sakit na nadarama niya ay mistulang tinusok pa ng mga salitang iyon.
"Excuse me? Baka nakakalimutan mo, asawa mo ko,"
giit niya, pilit pinapanatili ang kanyang boses na matatag, ngunit bakas ang panginginig nito.
"Then?"
Malamig na tanong ni Faye, halos walang pakialam. Para bang ang bawat salita ni Ling ay dumadaan lang sa kanya, walang epekto, walang saysay.
Napuno ng galit si Ling, ngunit sinubukan niyang maging kalmado.
"You know that I can sue you—and that bitch—right?”
Malinaw at madiin ang bawat salitang binitawan niya, isang babala na hindi niya kayang iurong.
Sa halip na matakot o magpakumbaba, ngumisi lang si Faye, ang kanyang mga mata'y may halong hamon.
BINABASA MO ANG
QUERENCIA
Ngẫu nhiênThis is a story of Garcia and Rodriguez Sisters. Cast : Faye x yoko Engfa x Charlotte Lux x prom Lisa x jennie Freen x becky