HULA

619 31 3
                                    

YOKO POV


Isang umaga nanaman na hindi ko kasama si faye. Mahigit 3 araw na siyang wala sa tabi ko ngayon.

"Yokai, ang aga aga naka busangot ka. Anyari namatay ba yung manok mo?"

Ito si anda ang aga aga nambwibwisit nanaman.

"Bakit makikilamay ka?"

"Sana"

Inirapan ko na lang siya. Kinuha ko na ang tinapay ko sa kanya. Kanina ko pa siya hinihintay pero ngayon lang siya dumating. Na delay tuloy ang
kape ko.

"Hepp...hepp.. saan ka pupunta?"

"Sa bahay ko malamang"

Turo ko sa bahay. Hinarangan niya naman ako sa pintuan. Ano nanaman pakulo nito.

"Ano nanaman to anda?"

"Baka nakakalimutan mo pay day ngayon"

Nilahad niya ang kamay niya sakin. Oo nga pala nakalimutan ko. Nginitian ko lang naman siya.

"Hehehe...Kaya nga ako papasok sa loob para kukuha ng pambayad sayo"

Pinaalis ko na siya sa harap ng pintuan at pumasok ako sa loob para kumuha ng pera. Kinuha ko ang wallet ko, wala na pala akong barya rito makahiram nga sa pera ni payeng.

Lumapit ako sa drawer kung saan niya nilalagay ang pera niya binuksan ko ito at bumungad sakin ang bugkos bugkos na tag iisang libo. Mabuti na lang may nakita akong 500 kaya yun na lang kinuha ko.

"Magkano lahat akin?"

Tanong ko kay anda ng makabalik ako sa labas. Sinuri niya naman ang maliit niyang notebook.

"Bali 425 lahat"

"Keep the change"

"Aba ang dami mo atang pera ah"

Syempre mayaman ang jowa ko. Charis lang ang pera niya ay pera niya lang.

"Ako pa"

"Paano alis na ko"

"Oumm.. ingat"

Nag pedal na siya palayo. Papasok na sana ako sa loob ng bahay ng tawagin ako ni inay.

"Nay?"

"May ginagawa ka ba?"

"Wala naman po bakit?"

"Total wala naman dito si faye baka pwede mo kong samahan mag tinda sa palengke para hindi ka mabagot dito"

"Palengke? Bakit may pwesto po ba kayo ron?"

"Ito kasing si berna na hospital ang anak niya at ang sabi ng doctor kailangan nilang manatilin sa hospital hanggat hindi pa gumagaling ang anak niya"

"Tapos?"

"Pinaparentahan niya sakin ang pwesto niya sa ganon kahit na sa hospital siya magkakapera pa rin siya. Nong una ayaw ko dahil panigurado magagalit ang itay mo pero naawa kasi ako sa kalagayan nila kaya pumayag ako"

Jusko itong inay ko talaga apaka maawain. Kahit na yung taong mga naninira sa kanya isang paawa lang oky na agad sila.

"Kailan po ba kayo mag uumpisa?"

"Ngayon, nahakot na namin ni cha ang mga gulay dadalhin na lang namin yun ngayon sa palengke, ano sama ka?"

Mas mabuti nga sigurong tumulong muna ako sa pag titinda kisa mabagot ako kakahintay kay faye rito.

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon