SELOS

780 34 4
                                    


Faye pov

Ilang linggo na ang lumipas at ngayon ay sanay na kaming bumilad sa init. Pero kahit ganon syempre kailangan pa rin naming balutin ang sarili namin ng damit sa ganon hindi kami mangitim ng sobra.

"TAY!"

Napatigil kami sa pag aani ng mga okra dahil nandito na pala sila. Kinuha na namin ang tinumpok naming mga okra at dinala ito sa silong.

"Ano yang dala niyo?"

Tanong ni uncle george sa mga anak niya. Nilabas naman nila ang piniritong isda at meron din piniritong talong na siyang hinarvest namin kahapon.

"George"

"Nandito na pala ang bibili ng talong natin. Sige na kumain na muna kayo kakausapin ko lang tong buyer"

Nagumpisa naman na silang apat sa pagkain. Habang ako ay nakatanaw kay uncle george na naglalakad papalapit sa buyer niya.

"Hindi ka pa kakain?"

Napukaw naman ni yo ang atensyon ko. Nilingon ko naman siya at pinisil ang pisnge niya.

"Sandali lang pupuntahan ko lang ang ama mo"

Mukhang may problema kasi dahil napapakamot ito ng ulo niya ngayon habang nakikipag usap siya.

"May problema ba rito uncle?"

Pagusyuso ko sa usapan nila. Sobrang seryoso kasi nilang dalawa ngayon.

"Pasyensya na talaga george, paano una na ko"

"Sige pre ingat ka"

Nag lakad naman na palayo ang buyer. Dismayado naman ngayon ang mukha ni uncle george.

"Anong problema uncle?"

"Ayaw na nilang bilhin yung mga naharvest nating talong. May nakita kasi silang mas mura"

Hinubad ni uncle george ang sombrero niya at pinaypay niya ito sa sarili niya. May naisip naman akong paraan para hindi siya maging malungkot.

"Ako na lang po ang bibili, Magkano po ba ang benta niyo?

"At aanhin mo naman ang isang toniladang talong"

"Pamimigay"

"Wag na, may kilala pa naman akong ibang buyer sa kanila ko na lang ibebenta to"

"Sige na po, Mag kano po ba lahat?"

"Bente per kilo kasi yun"

"Ilang kilo lahat yun?"

"1 tonilada"

"Bali 20k"

"Sigurado ka bibilhin mo talaga?"

"Opo, mamaya ko na lang iaabot ang bayad"

Natuwa naman ako dahil nag iba ng ang expression ng mukha niya. Yung kinaninang dismayado ngayon ay nakangiti na. Bumalik na kami sa silong para magtanghalian.

"Kapagod"

Pasimple namang humiga si lisa sa lap ni jennie. Habang si lux at prom nag susubuan na ngayon ng prutas. Si engfa at charlota naman ay busy sa pag liligpit ng mga pinagkainan. Si freen naman nakasandal sa balikat ni becky.

"Ano yung pinag usapan niyo ni itay bakit ganon na lang ang ngiti non?"

May pagkachismosa rin pala tong si yoko. Hindi ko naman siya pinansin. Sumadal na lang ako sa puno at pumikit.

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon