BABY

820 39 6
                                    

3rd person pov

Kakatapos lang mag linis ng bakuran ng mag kakaatid na garcia except kay yoko na siya ngayon ay tulog parin sa kanilang kwarto.



"Umuwi ba si faye?"



Tanong ni jennie sa mga kapatid niya na ngayon ay nag papahinga sa tambayan nila.



"Mukhang hindi ata, wala kasi kaming narinig na chopper kagabi"



Napatingin na lang si jennie sa bahay nina yoko at faye. Alam nito na malungkot ngayon ang kapatid niya kaya nag pasya siyang kausapin ito.



"Yo!!!"



Tinulak naman niya ng bahagya ang pintuan at kusa itong bumukas. Napansin niya na hanggang ngayon hindi parin naka ligpit ang mga hinain nito kagabi sa mesa. Napailing na lang ito ng ulo at lumapit sa pintuan ng kwarto ni yoko.



Tokkk...tok...tok...



"Yo!! Pinapatawag ka ni inay aalis na raw kayo"



Pag sisinungaling ni jennie. Agad namang binuksan ni yoko ng pinto at bumungad sa kanya si yoko na sobrang mugto ang mata.



"Asan na si inay"



Lalabas na sana ng kwarto si yoko pero agad nitong hinawakan sa braso ang kapatid niya.



"Haharap ka kay inay na ganyan ang ayus mo?"



Napatingin naman si yoko sa salamin. Sobrang gulo ng buhok niya na animoy pinagtulungan siya ng 10 babae, at mugtong mugto ang mga mata niya.



"Pero ng sabi mo.."



Hindi mapigilan ni jennie na hindi hagkan ang kapatid niya.



"sige na nandito na ako ilabas mo na yan"



Bigla namang umiyak ulit si yoko. Napapikit na lang si jennie dahil alam niyang nagiging emotional talaga ang mga buntis.



"She broke her promise"


QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon