QUICKIE

1.5K 40 6
                                    

3rd person pov

Sumapit na ang hapon at ubos na lang ang tinda ni faye at ni yoko. Kaya nag pasya silang mag sara na. Hinihintay na lamang nila ngayon si julia na makabalik para makauwi na sila.

"Ano gusto mong ulamin? Ngayon pa lang mag desisyon kana habang nandito pa tayo sa palengke"

Nag isip naman si faye ng mabuti. Sa totoo niyan marami siyang cinicrave ngayon pero hindi niya alam kung marunong ba si yoko mag luto ng mga gusto niya sanang ulam.

"Bulalo"

Yan na lamang ang nasabi niya dahil ito ang pinakamadaling lutuin compare sa mga naiisip niya ngayon

"Mabuti na lang may tira pa ritong gulay"

Kumuha ng gulay na gagamitin niya sa pag luluto si yoko sa tindahan nila. Pumunta na agad sila sa meat section para bumili ng karne na siyang gagamitin niya.

"Aling marta magkano ang kilo ng karne?"

"400"

Nilahad naman ni yoko ang kamay niya kay faye. Binigyan naman ito ni faye ng 1 libo.

"Ubusin mo na yan"

"Sigurado ka?"

Tumango lang naman si faye kay yoko. Inabot na ni yoko ang bayad sa tindera at pumili na ng parte ng karne na lulutuin niya.

"Salamat"

Saad ni yoko sa tindera ng iabot na nito ang karne na binili niya.

"May kulang pa ba?"

Tanong ni faye kay yoko. Umiling lang naman si yoko kaya lumabas na sila ng palengke.

"Nasaan na ba kasi si inay bat ang tagal non"

Simula kasi nong umalis si julia hindi pa ito nakakabalik hanggang ngayon.

"Sissy"

"Monay"

"Dumaan kanina yung mother mo rito at ang sabi niya mauna na raw kayong umuwi nitong jowa mo dahil may date pa sila ng itay mo"

"Ang tanda na nila pero nakuha pa nilang mag date"

"Aba wala naman sa edad ang pakikipag date eh noh"

"Sige, salamat monay alis na kami"


"Mag ingat kayo"

Kumaway na si yoko kay monay at umalis. Lumapit si yoko kay faye at kinabig ang braso nito.

"Paano tayo uuwi ngayon niyan dala ni inay yung pick up"


Ngumiti naman ng nakakaloko si faye. May kalokohan nanaman kasi siyang naiisip ngayon.

"Paano kung nakawin kaya natin tong tric"

Hinampas naman ni yoko ang braso ng kasintahan niya.

"Wag mo kong idamay sa kalokohan mo"

"Bilis na akong bahala"

Hinila ni faye si yoko papasok sa tric. Nong una nag pupumiglas pa si yoko dahil natatakot ito pero wala rin naman siyang magawa dahil mas malakas si faye sa kanya.

"Faye sinasabi ko sayo pag ikaw nakulong dahil sa kagagohan mong ito hinding hindi kita dadalawin sa kulungan"

"As if naman na kaya mo kong hayaan mabulok don"

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon