JINI HAINE'S POV
Napasinghap ako sa sinabi niya na para bang nangilabot ako bigla.
"A-Ano? T-Teka, p-paanong nabuhay ang boyfriend mo? H-Hindi ba...patay na siya, Elaina?" Pagtatakang tanong ko sa kanya.
"K-Kahit ako hindi rin ako makapaniwala. Nayakap ko pa siya kanina'ng nagkita kami. Jini, please believed me...and I'm serious."
Kita ko nga sa mga mata niya na talaga nagsasabi siya ng totoo. Pero paanong nabuhay ang boyfriend niya? Hindi ko alam pero bigla naman akong nakaramdam ng takot.
"Baka naman namamalik mata ka lang?"
"No. Hindi ako namamalik mata. Totoo siya, Jini. Tinitigan ko pa nga siya at saka ko hinawakan ang mukha niya." Napansin ko na biglang nalungkot ang mukha niya. "Pero bakit ganun? Bakit...hindi niya ako maalala?" Sabi niya hanggang sa tuluyan na siyang maiyak.
Agad naman akong nagpanic nang kinuha ko ang panyo ko mula sa bag at inibot ko ito sa kanya.
"Naku, wag kang umiyak. Hindi ba naaksidente ang boyfriend mo? Hindi kaya naging sanhi yun kaya hindi ka niya maalala? Parang......Amnesia, ganun." Sabi ko.
Pinunasan naman niya ang kanyang luha gamit ang panyong inabot ko sa kanya.
"S-Siguro nga."
"Kailan pa kayo nagkita?"
"K-Kanina lang ng umaga. Parang isang himala ang nangyari kanina nung yakap-yakap ko siya. Pero alam mo kung ano ang masakit na sinabi niya sa akin?"
"A-Ano?"
"K-Kung may girlfriend man daw siya, sisiguraduhin niya na......h-hindi ako iyon." At nagsimula ulit siyang maiyak.
Nabigla ako. At alam ko kung gaano kasakit ang mga binatawang salita ng boyfriend niya sa kanya.
"Tahan na, Elaina. Siguro dahil sa amnesia niya kaya niya nasabi yun sayo. And I think na dapat mong gawin sa ngayon ay ang maghintay. Amnesia yun, at sigurado ako na babalik din ang alaala niya, at maaalala ka rin niya."
Tumango-tango naman siya at pumilit na ngumiti sa akin. "Siguro tama ka. At kailangan kong alamin kung asan na siya ngayon. Hahanapin ko siya. Salamat, Jini. Ikaw lang nakakaintindi sa akin."
BINABASA MO ANG
My Husband from the Star [MBFTS Season2]
Science FictionRead first the Season 1!!! Thank you! :D