JINI HAINE'S POV
Pagdating ko dito sa tapat ng school ni Calexy ay pumasok na ko sa gate para puntahan siya kung nasa room pa ba siya. Pero pagdaan ko sa isang garden malapit dito ay doon ko nakita si Calexy na para bang may kausap na lalaki.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kinaroronan nila nang biglang kumunot ang noo ko nang nakilala ko ang likod ng lalaking kausap ni Calexy.
At laking gulat ko nang...
......yakapin ni Calexy ang lalaking kausap niya at narinig kong tinawag niya itong..
"D-Daddy..."
Para akong nabingi at bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at galit na nararamdaman ko ngayon. Lalo na't sa pagtawag niya lalaking ito na hindi naman niya totoong ama!
"IVAN!!" Sigaw ko at pareho silang nabigla sa pagtawag ko.
'Sabi na nga ba. Napakawalang'ya talaga ng lalaking ito, kahit kailan!!'
"M-Mommy?" Gulat ni Calexy nang makita ako. Pero si Ivan ay hindi nakakibo agad.
Hindi man ko narinig ang lahat nang pinag-usapan pero ramdam kong hindi maganda at hindi totoo ang lahat nang iyon.
Mabilis ko silang sinugod at saka ko hinila ang kamay ni Calexy palayo sa kanya, saka ko tinignan ng masama si Ivan.
"Anong sinabi mo sa anak ko para utuin mo?!" Galit kong tanong kay Ivan pero hindi pa rin siya kumikibo.
"Mommy, don't mad at him. He's my daddy!! And I hate you, mommy because you lied to me!"
Nabigla ako sa pagtaas ng boses sa akin ni Calexy. Sasabihin ko na sana sakanya na wag siyang maniwala sa lalaking yan pero naunahan ako nang magsalita ni Ivan.
"Why don't you tell him the truth na ako naman talaga ang totoong daddy niya?" Mayabang na sabi niya.
"Nahihibang ka na! Sa tingin mo gagawin ko yun? Wag mong idamay ang anak ko kung ako lang naman talaga ang habol mo! Let's go, Calex--"
Bigla kong naradaman na biglang kumalas ang kamay ni Calexy sa kamay ko.
"I hate you, Mommy!!" Mangiyak-ngiyak na sabi niya sa akin, at saka na lamang siyang tumakbo papalayo sa amin.
"BABY!!!" Sigaw ko sa kanya.
Hindi na nagdalawang-isip pa na tumakbo para habulin siya.
Galit ang baby ko sa akin. Hindi pwede, kailangan kong masabi sa kanya hindi totoo ang lahat at hindi niya DADDY iyon. Naiiyak ako kasi hindi ko masabi sa kanya ng derecho kung na saan o kung sino ang tunay niyang ama, kung babalik pa ba to o......hindi na. Kaya ang hirap sabihin lahat sa kanya lalo na't bata pa siya.
Bigla akong napahinto sa pagtakbo nang makita ko si Calexy na nasa gitna na ng kalsada at agad kong napatingin sa isang mabilis na sasakyan papunta sa anak ko.
Kinabahan na ko at natataranta kung makakaya ko bang iligtas ang anak ko. Pero laking gulat ko nang may lalaking nakaitim ang biglang tumakbo papunta kay Calexy kaya napasinghap ako at napatakip ko ang bibig ko nang bigla niyakap ng lalaking nakaitim si Calexy saka siya tumalon sa kabilang side ng kalsada para hindi sila masagasaan nung sasakyan ngayon lang din lumapas sa paningin ko.
Ngayong napansin ko ng wala sasakyan sa paligid ay agad kong natarantang tumawid papunta sa kanila.
Nanatili pa rin nakayakap ang lalaki kay Calexy na hanggang ngayon ay nakatagilid silang nakahiga.
"B-Baby!!! Baby!!! Are you okay?! Baby, talk to me!!"
Napansin kong gumalaw ng konti ang lalaki at pinilit na makatayo, pero agad ko munang kinuha ang anak ko sa kanya saka ko niyakap ng mahipit si Calexy.
"M-Mommy..." matamlay na sabi ng baby ko.
"Baby I'm sorry. I'm sorry." Naiiyak na sabi ko. "You're safe so don't be scared now, okay?"
Naramdam ko naman na tumango siya. Napansin ko na nakatayo na ang lalaking nagligtas sa anak ko. Nanatili siyang nakatayo malapit sa amin habang hawak niya ang isang braso niya at nayuko lang ito. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa cap na suot niya.
Dahan-dahan kaming lumapit ni Calexy doon sa lalaki.
Hindi ko alam pero habang papalapit ako sa kanya ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Bakit ako kinakabahan ng ganito?
Nang makalapit na ko sa kanya ay napalunok muno ako saglit bago ako makapagsalita.
"S-Salamat. M-Maraming Salamat sa paglitas mo sa anak ko."
Napatingin ako sa braso niya na hanggang ngayon ay hawak niya pa rin. Pero napansin ko na dahan-dahan naniyang inaangat ang ulo niya hanggang sa magtama ang mga mata namin sa isa't isa.
At nagulat ako kung sino ngayon ang lalaking nakikipagtitigan sa akin. Hindi ako makagalaw para yakapin siya, parang may bumara sa lalamunan ko. Wala akong naririnig kundi ang tibok lang ng puso na para lang sa kanya.
Unti-unti kong inangat ang dalawang kamay ko para maabot ko ang mukha niya para malaman ko kung ilusyon ko lang ba. Nang mahawaka ko na ang mukha niya ay tuloy-tuloy ko ng nararamdaman ang bawat agos ng luha ko.
"S-Shone..."
--To be Continued.
[Biglaang UPDATE!!]
BINABASA MO ANG
My Husband from the Star [MBFTS Season2]
Science FictionRead first the Season 1!!! Thank you! :D