3RD PERSON'S POV
Nabigla si Jini na lumabas sila ng Tatay niya sa isang hotel at bumungad agad sa kanya ang isang dagat na may papalubog na araw.
"Ang haba ng tulog mo kanina anak. Nagulat na lang kasi kami ng bigla kang nawalan ng malay. Siguro dahil sa napagod ka mga pangyayari kagabi."
Napaisip naman agad naman si Jini habang naglalakad silang mag-ama kung saan.
"M-May nalaman po ba kayo sa l-lagay ko?"
"Huh? Ah.. Wala eh. Hindi ko alam kay Shone kung bakit ayaw ka niyang pacheck-up."
Nagtaka naman si Jini. Pero mabuti na rin iyon dahil ayaw pa niyang ipaalam sa lahat na nagdadalang-tao siya ngayon. At siguro ngayon na ang tamang pagkakataon para masabi na niya kay Shone ang tungkol sa dito.
Nanlaki ang mga mata ni Jini na maraming media ang nakapaligid sa isang venue kung saan gaganapin ang kasal. Papalapit na sila nang sinimulan nang tugtugin ang wedding song.
---
Hindi maiwasang mapangiti ni Shone. Sa totoo ay matagal na niyang plano ito, lalo na't sumang-ayon ang pagkakataon sa kanya. At masaya siya ngayon dahil malaya na siyang umibig sa tao sa tulong ni Simon bilang regalo sa kanya.
Unang naglakad sina ang flowers girl na si Alecsa, ang anak nila Simon at Lian. At escort nito ay Jeric Tan na classmate ni Calexy.
Sumunod ang mga malalapit nilang kaibigan na alam ang tungkol sa kanilang pagkatao, tulad nila Prosecutor Lee, Officer Montel, Sir Marion, Tatay Bernard na tumabi sa anak-anakan na si Shone, Simon at Lian at si Jett na kapartner si Thea. Pagkatapos ay naglakad si Calexy nadala ang kanilang ring vows.
At ang huli na pinakahihintay ng lahat at lalo ni Shone.. Ang pagdating ng kanyang asawa na panghabang-buhay, kasama nito ang mapagmahal niyang magulang.
Ginawa ni Shone ito dahil plano na nilang ipaalam sa lahat ang tunay nilang pagkatao, dahil mahihirapan din sila kung ililihim nila ito. At gusto nila na bukas ang publiko na ang mga Alien na tulad nila ay nandito para sa misyon na protektahan ang Earth at hindi sila masasamang nilalang.
Nasa harapan na ni Shone ang babae na bata palang ay minahal na niya ito. Ang babaeng hinihintay at hinahanap niya ay nasa tabi lang pala nya bilang sekretarya noon at ngayon ay bilang isang ganap na misis.
Ibinigay na ni Tatay Julius ang kamay ng anak kay Shone. "Maging masaya kayo. Wag mong pababayaan asawa mo."
"Opo, Tatay.." Sagot ni Shone. Si Jini naman ay mahihiyang tumitig sa asawa dahil sadyang nakakatunaw ang mga titig nito sa kanya.
"Look at me.." Tumingin naman si Jini kay Shone. "You're the most beautiful wife."
"Ikaw na ang pinakagwapong Alien na asawa ko." Sabi ni Jini, napangisi naman si Shone.
Nakarating sila sa altar na walang priest, at basta na lang silang nagharapang dalawa. Lumapit si Calexy sa kanila at kinuha agad ni Shone ang singsing at itinapat iyon sa palasingsingan ni Jini hanggang sa maisuot na niya ito.
"I've promised to myself that I'll protect my family. I've promise that I will never leave you anymore. Kung noon ang kahinaan ko ay magmahal ng taong tulad mo, but now, you don't have to worry, everythings changed already. You're all my strength and everything. I can love you day by day until forever. And I want to thank you to accepted me from who I am. I love you, Hon." Then he kiss Jini's forehead.
Hindi maiwasang hindi mapaluha sa tuwang narinig niya mula sa asawa, kaya pinunasan iyon ni Shone.
"Wala na kong hihilingin pa, at gusto kong magpasalamat sa lahat-lahat tulad ng dumating ka buhay na hindi ko akalain na aabot tayo hanggang dito at nalagpasan natin ang mga pasubok. Pero alam natin na hindi pa ito natatapos, may darating pa at alam kong kakayanin natin iyong lampasan. Mahal na mahal ki---"
Hindi na natapos ni Jini ang sinabi nang bigla na siyang sunggaban ng halik ni Shone. Kasabay nun ang palakpakan ng mga tao at ilang kapwa Alien na nunuod sa kanila.
Kasabay naghahalikan nila ang sunud-sunod ng paglitaw ng mga shooting stars sa kalangitan ng gabi at ang lahat ay namangha dito.
Pagkatapos nang kanilang paghahalikan ay masayang tumititig si Jini kay Shone.
"Honey, I have something to tell you."
"What is it?"
"I'm one week......
......pregnant.."
--Last Epilogue ... to be continued ...
BINABASA MO ANG
My Husband from the Star [MBFTS Season2]
Ciencia FicciónRead first the Season 1!!! Thank you! :D