3RD PERSON'S POV
Pagpasok ni Jini sa kwarto nila ay naabutan niya ang kanyang asawa sinuot ang coat nito.
"Gabi na. Saan ka pupunta?" Tanong ni Jini.
"Dyan lang. Babalik din ako." Sagot niya at mabilis itong lumabas ng kwarto nila.
Dumapo agad ang tingin ni Jini sa side table nila sa tabi ng kama. Wala doon ang susi ng sasakyan pero naiwan ang phone niya kaya madali itong kinuha ni Jini at doon nanlaki ang mga mata niya sa nabasa niyang text message.
Samantala...
Nagdadrive ngayon sa isang lugar kung saan na may nagtext sa kanya na at nagbabanta itong ipagsabi sa lahat ang tunay niyang pagkatao na isang siyang Alien kapag hindi siya nakipagkita rito.
FLASHBACK
Narinig lahat ni Shone ang lahat ng pinag-usapan ng kanyang mag-ina. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot dahil hindi niya to tulungan dahil TAO pa siya.
Naguguluhan siya. Gusto niyang maging tao para kay Jini na malayang niyang minamahal. Pero paano ang anak nila?
Umupo siya sa kilid ng kama nang biglang tumunog ang phone niya na nasa side table. Napakunot naman ang noo niya ng makita niyang UNKNOWN Number ang nagtext sa kanya.
From: +6908xxxxxxx
'Hanston, magkita tayo sa address na ibibigay ko kung ayaw mong ipagpakalat ko sa lahat ang totoo mong pagkatao na isa kang Alien. Ngayon mismo.'Natulala siya sa gulat at wala siyang ideya kung sino ito para malaman ang totoong pagkatao niya. Napamura siya at napahawak sa sentito niya na kumikirot na naman ang ulo niya lalo na't iniisip niya ang kanyang mag-ina tapos dumagdag pa ito.
Kailangan niyang ilihim ito kay Jini.
END OF FLASHBACK
Nakarating na siya sa nasabing lugar at masasabing nasa isang plaza sila na wala ng katao-tao sa paligid. At mga ilang poste na lang ang nagsisilbing linawag dito kahit na medyo madilim pa rin. Bumaba na siya ng kotse para hanapin yung nagblackmail sa kanya.
Habang nilibot niya ang paningin niya ay may napansin siyang anino at mabilis din itong nawala. At may naramdaman siya mula sa kanyang likuran na parang may tumakbo kung saan.
Sumunod naman na may narinig siyang kaluskos ng bakal kaya agad niya itong hinanao ulit kung saan nanggaling iyon hanggang sa hindi niya namalayang may matigas na bagay na humapas sa likod niya para matumba siya.
IVAN'S POV
I hired a greatest gangsters dito sa lugar namin. Inutusan ko sila at gusto kong gawin nila ay bugbugin si Shone hanggang sa manghingalo ito.
Pero sa totoo. Gusto kong makita kung paano MAGALIT ang isang Shone Gray Hanston at siguradong doon na lalabas ang katotohanan na isa siyang ALIEN.
Ayoko munang ipapatay siya dahil may ilan pa kong plano para sakanya at sa anak niya. Sabihin na nating panimula palang at paghihiganti ko dahil sa ginawa ng anak niya sa pamangkin ko.
Pinapanuod ko sila mula sa malayo at abala na sila sa pambubugbog kay Shone. Bahagya akong napangiti nang hindi niya magawang lumaban dahil sa tuloy-tuloy siya pinaghahampas at pinagsusuntok habang pinapasapasahan siya ng mga gangster nato.
Pero unti-unti ko na rin naramdaman ang pagkainip dahil hanggang ngayon ay hindi pa siya NAGAGALIT!! Pakshet!! At unti-unti na rin siyang nanghihina at umuubo ng dugo.
"Tama na. Sigurado sa comatose na ang punta niyan. Tara."
Tumalikod na mga ito at naglakad na ng palayo nang mapansin kong unti-unting pinilit ni Shone na makatayo kahit na nahihirapan siya. At pagkaangat ng tingin niya ay doon ko na napansin kung gaano kamangha-mangha ng kanyang matang kulay Grey kahit na madilim na ay mapapansin mo pa rin ito.
"Yun na yon?" Sabi ni Shone para matigilan sa paglalakad ang mga gangsters nato. At nakita kung paano nagulat ang mga to nang makita nila ang mga mata ni Shone na nakakatakot.
Pwes ako, hindi..
At mas kinagulat ko pa ay bigla siyang naglaho. DAMN IT! Na saan na ang ALIEN na yun??
[Dito palang magsisimula ang lahat. Mwahahaha! ^o^]
--To be continued ...
BINABASA MO ANG
My Husband from the Star [MBFTS Season2]
Science FictionRead first the Season 1!!! Thank you! :D