3RD PERSON'S POV
After ng mahabang biyahe, naka-uwi na rin ang mag-ina sa subdivision.
Karga-karga ni Jini ang anak habang mahibing na natutulog ito sa balikat niya. Pagpasok nila sa Mansion ay sinalubong agad sila nila Tatay Julius at Mama Carol.
"Oh~ Good to see you both again!" Tuwang-tuwa na sabi ni Carol nang makita ang mag-ina.
Agad namang nilapitan ni Julius ang mag-ina. "Anak, ako na magbubuhat sa kanya."
"Sige po, Tay." Sabi niya saka niya inalalayang binigay ang anak sa kanyang Ama.
"Mukhang pagod ang unico apo namin,ah!" Sabi ni Carol habang tinitigan ang apong natutulog sa mga bisig ng asawa.
"Oo nga po, eh!" Sabi naman ni Jini sa kanyang Mama Carol.
"O siya, dadalhin ko na siya sa loob ng kwarto niya. Magpahinga ka na muna, anak." Sabi naman ni Julius kay Jini.
Tumango naman si Jini sa kanyang Tatay. Saka na nito pumanhik sa hagdan.
"Nak, nagdinner na ba kayo?" Tanong ni Carol sa kanya.
"Hindi po, pero busog pa po ako. Papainumin ko na lang po ng gatas si Calexy kapag nagising siya mamaya." Sabi niya sa ina.
"Sigurado ka, huh? O sige, gabi na rin at mukhang pagod ka na. Bukas na lang tayo magkwentuhan."
"Opo,ma."
Pumanhik na rin si Jini sa hagdan at pumasok na sa loob ng kwarto niya para magpalit ng damit. Pagkatapos niyang magpalit ng damit, ay lumabas siya ng kwarto niya at pumasok sa katabing kwarto niya, ang bedroom ni Calexy.
Pagpasok niya sa kwarto ng anak ay dahan-dahan niya itong nilapitan. Umupo siya sa gilid ng kama saka niya hinaplos-haplos ang buhok nito.
[CL'S NOTE: See Baby Calexy's Bedroom at the side. ^__^]
Tumayo siya at pumunta siya sa bintana saka niya tinitigan ang mga bituin sa langit.
'Kailan ka ba babalik? Hinahanap ka na ng anak natin. Please, bumalik ka na...para sa amin. Namimiss na rin kita.'
Habang binabanggit niya ang mga katagang yun sa isip niya, ay hindi niya maiwasang mapaluha.
Napapikit siya saka siya nagsalita ng mahina.
"One.. Two.. Three.."
Pagkatapos niyang magbilang, ay dinilat na niya ang kanyang mata. Sa pagbilang niyang 'yon ay wala namang nangyari, na di tulad noon ay isang iglap lang ay nasa tabi na niya ang kanyang minamahal.
Naramdaman niyang may tumapik sa balikat niya mula sa likod kaya agad niya itong hinarap.
"T-Tatay.."
"Siya pa rin ba, anak?"
Napaiwas siya tingin sa tatay niya saka siya tumango dito.
"Sorry po, kung nakita nyo na naman akong ganito. Tatay, hindi ko pong magawang kalimutan siya."
Hinagkan naman siya ng kanyang Tatay.
"Haine, naiintindihan kita pero pasensya na sa sasabihin ko. Mas masakit kung patuloy ka pa rin aasa na malabong mangyari. Sinasaktan mo lang sarili mo. Buksan mo ang puso mo, magmahal kang muli at kalimutan mo na siya. Isipin mo ang anak mo, balang-araw kinakailangin niya rin ng isang ama."
Napapikit na lamang si Jini at mas lalo pang niyang hinigpitan ang pagyakap sa kanyang Tatay at mahinang humagulgol siya sa balikat nito.
----
Kinabukasan...
Naglalakad ngayon si Bernard sa daan ng mapahinto siya sa isang eskinita. May napansin siya doon na grupo ng mga kalalakihan na mukhang may binubugbog ito.
Gusto niyang tulungan yung lalaking biktima na mukhang walang kalaban-laban.
Nagtago sa isang tabi si Bernard na biglang nagsisigaw siya sa ibang direksyon.
"Pulis! Pulis! Dito!"
Mukhang narinig naman siya ng lalaking yun kaya magsitakbuhan na ang mga ito.
Kahit na matanda na itong Bernard ay nagawa pa niyang makatakbo sa dereksyon kung na saan ang biktimang lalaki.
"Iho, ayos ka lang ba? Halika, aalayan kitang tumayo."
Nang makatayo na ito, ay laking gulat nilang dalawa ng makita nila ang isa't isa.
"S-Shone?!/Bernard?!" Sabay nilang sabi.
Halos gusto ng himatayin sa pagsinghap niya sa sobrang gulat.
Ang muling pagkikita ng mag-ama-amahan..
--To be Continued ...
[Lame ba? 'Yaan niyo na. Haha! XD Leave votes and Comments]
BINABASA MO ANG
My Husband from the Star [MBFTS Season2]
Fiksi IlmiahRead first the Season 1!!! Thank you! :D