Star-60: You are Invited! (Part1)

1.1K 29 0
                                    

JINI HAINE'S POV

Nagising ako at Napabangon ako, napansin kong nasa ibang kwarto ako.

Teka! Na saan ako? Ang alam ko kasama ko si Shone at yakap-yakap ko pa siya.

"Mommy…"

Napalingon ako sa may pinto. Si Calexy.

"B-baby!" Sabi ko. Agad namang siyang napatakbo papunta sa akin at niyakap agad ako. Napansin ko na parang pormal yata ng suot ngayon ni Calexy, anong meron?

"Mommy~" hinawakan niya ang kamay ko habang ngiti-ngiti sya sa akin. "Will you marry Daddy again and be your Husband forever?" Malambing na sabi niya.

Natulala naman ako sa tinanong niya. "B-Baby, are you p-proposing?"

He nod. "Yep! Mommy! Please, say Yes!!"

Hindi ko alam kung maiiyak ba ako matatawa. Bakit ang anak ko ang po-propose para sa akin at hindi SIYA?!

I nod. "Of course YES, baby! I want your Daddy to be my Husband forever!"

"YEHEEEEY!!! LET'S GO, MOMMY!! COME WITH ME!!" sabay hila niya sa akin palabas pero sandali ko siyang pinigilan.

"Where's Daddy?"

"Ahmm.. S-Sorry mommy, but I can't tell you where is he. Just follow me!" Then he started to grab me somewhere. Agad naman akong sinalubong ni……Ian?

Teka! BAKIT ANG GAGWAPO NILA NGAYON?!

"Hi Ate! Mabuti naman at gising kana."

"Anong nangyayare? Bakit kayo nakaayos? May party ba?"

"Anong party?! Haaay~ Slow! Pumasok ka na sa loob. Dali!!!" Sabi ni Ian nang maipasok na niya ako sa isang kwarto.

At nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong lapitan ng mga babae.

"Nandito na siya! Ayusan na natin siya!" Sigaw ng babae sa mga kasamahan niya. At may nilabas ang ilang babae na isang wedding gown na suot ng manikin. At doon, napatakip ko ang bibig ko sa gulat at pakiramdam ko ay maiiyak ako.

Pina-upo agad nila ako sa isang swivel chair at pinaharap sa isang malaking salamin. Hindi na ko nakakibo pa, basta ko na lang silang pinanuod kung paano nila ako ayusan.

Pagkatapos ng dalawang pag-aayos sa akin ay pinasuot na nila sa akin ang matagal ko ng pinapangarap simula bata pa ako, ang wedding gown..

*FLASHBACK*

Titig na titig ako sa isang wedding gown na nakadisplay sa isang gown shop sa bayan. Napangiti pa ako dahil sa sobrang mangha ko sa ganda.

"Ang ganda. Sana balang-araw makapagsuot ako ng ganito sa araw na ikakasal ako sa taong mahal ko at mamahalin ako habang buhay…"

Natigilan lang ako nang may naanigan ako sa salamin na isang familiar na lalake, nakangiti siya pero bigla akong kumurap at kasabay nun ang biglang paglaho niya. Kaya agad kong nilingon ang likuran ko.

Wala na siya…

*END OF FLASHBACK*

Nang maalala ko kung sino ang lalaking iyon naramdaman kong tumulo ang luha ko. Ang tagal na niya pala akong sunusubaybayan at nakaantabay sa akin.

Ang lalaking sumagip sa akin. Ang huling lalaking nakita ko sa may shop na yun.

Si Shone…

Na isang hindi pangkaraniwan taong nakilala ko na nagmula sa Bituin. Na naging Boss ko, at ngayon ay Asawa ko na.

"Ay! Miss Jini, wag po kayong umiyak. Ang make-up niyo. Ahuhu!!" Sabi sa akin ng babae kaya agad niya akong ni-retouch.

"Naku! P-Pasensya na."

"Okay lang po. Ganyan talaga ang tears of joy, hindi naiiwasan yan."

Pagkatapos ay pinasuot na nila sa akin yung wedding gown. Pagkaharap ko sa isang wall mirror ay hindi ko maiwasang maattract sa sarili ko.

Mukhang ngayon ko palang masasabi na ang ganda-ganda ko sa suot ko.

Pinaupo nila ako sa isang couch. Biglang bumukas ang pinto at nakita kong si Tatay. At pansin ko sa mukha niya paghanga sa akin. Lumapit siya sa akin at hinawakan agad ang dalawang kamay ko.

"Wala akong masabe sa ganda ng anak ko. Isang anghel na bumaba sa langit."

"T-Tatay…" sabi ko. Pakiramdam ko kasi ay maiiyak siya. Hindi kasi siya naiyak nung kinasal kami ni Shone sa municipal dahil masyadong biglaan ang lahat pero masaya pa rin siya.

"Natutuwa lang kasi ako anak, dahil siya mismo ang tumupad sa pangarap mo. Ang maikasal na ganyan ang suot." Napangiti naman ako dahil si Shone ang tinutukoy niya. "Simula palang ay malaki na ang tiwala ko sa kanya, lalo na't hindi siya pangkariniwang tao. At alam kong noon palang nandyan siya sa tabi mo at hindi ka pinabayaan habang wala ako."

"Salamat, Tatay. Akala ko kayo yung tipo na ilalayo mo ko sa kanya dahil baka Hindi mo matanggap ang tunay niyang pagkatao. Pero hindi pala, sinuportahan nyo kami. Maraming salamat, Tatay at sa inyo ni Mama."

"Sigurado akong matutuwa din ang Nanay mo sa kabilang buhay kapag nakita ka niya ngayon sa especial mong araw. Halika na, at pormal na kitang ihahatid sa asawa mo."

Tumango naman ako. Nilagay ni Tatay ang isang kamay ko sa braso nya. Normal lang naman sigurong kabahan ang isang bride.




[Biglaang pagtatapos! Ahuhu! JINI HAINE at the multimedia ~ Ang ganda ni Mommy!! ^_^]

--to be continued

My Husband from the Star [MBFTS Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon