Star-29 (Part2)

937 24 0
                                    

JINI HAINE'S POV

Agad akong nakuha ng taxi at sinabi ko agad sa driver nadalhin ako malapit sa plaza. Kinakabahan ako dahil doon sa text message, sino kaya yun? Bakit alam niya ang pagkatao ni Shone? Tsaka anong kailangan niya sa asawa ko?

Hindi kaya... may nagexist na namang alien at nagpanggap na tao ito? AAAHH!! HINDI PWEDE!! WALA SYANG LABAN!!

Hindi ko maiwasang mapa-isip ng kung anu-ano. And at the same time parang maiiyak ako. Sana walang mangyaring masama sa asawa ko.

"Ma'am, andito na po tayo.." Sabi agad ng driver para matauhan ako. Agad ko siyang binayaran at mabilis na lumabas sa taxi niya.

Nang makaalis na yung taxi ay sinimulan ko ng maglakad malapit sa plaza. Madilim kahit na may ilang poste pang nakasindi sa paligid nito kaya napalunok ako sa takot at kaba.

Nagulat na lamang ako ng may marinig akong pasabog.

Jusko ang asawa ko!!

Agad akong napatakbo kung saan nanggagaling ang pagsabog na yun. At doon ko naabutan ang mga lalakihan na ang ilan ay nakahiga na sa sahig at walang malay. Pero si Shone ay nakatayo lang habang may dalawang lalaking pa ang nasa harapan niya.

Akmang hahampasin na ng lalaki ng hawak niyang baseball bat ay mabilis din itong naglaho at nagulat na lang yung lalaki na nasa likuran na niya si Shone tsaka niya hinawakan ang isang kamay ng lalaki na may baseball bat at mabilis niyang pinalupot ito sa likod kaya narinig ko ang namamalipit na sa sakit ang lalaki.

Napasin ko pa ang isang lalaki nasusugod kay Shone pero laking gulat niya ng bigla siyang sipain ng asawa ko patalikod at natumba ito. Kinuha ni Shone ang baseball bat mula sa lalaki at tinapon kung saan tsaka niya sinipa din ito sa likod ng sobrang lakas para tumilapon ito.

Medyo hingal na hingal si Shone ng matalo na niya ang lahat ng mga lalaki. Nang mapansin kong wala ng gumagalaw sa mga lalaking iyon ay agad na kong napakita kay Shone malapit sa liwanag ng poste para makita niya ako. Nagulat siya nang makita niya ako.

"J-Jini.." Usal niya.

Napatakip bigla ako ng bibig para mapigilan kong Hindi maiyak, kaso Hindi rin ito umubra. Hindi ako makapaniwala na makikita ko ulit siya na ganto.. Na may posisbilidad na babalik siya sa totoo niyang pagkatao.

Habang papalapit siya sa akin ay nawala na rin ang kulay grey niyang mga mata at bumalik sa normal ang mga ito. Kaso napansin kong puro bugbog siya kaya nilapitan ko na rin siya. Akmang babagsak ang katawan niya sa sobrang panghihina ay agad ko siyang inalayan.

"P-Puro ka bugbog.." Yun agad ang lumabas sa bibig ko.

"Sorry.. I didn't expect.. Jini, mag...magpakasal na tayo bago pa ko bumalik sa......d-dati.." Sabi niya kahit na medyo namamalipit din siya sakit na natamo niya.

Agad kong hinaplos ang pisngi niya at pinilit kong ngumiti sa kanya..

"O-Oo.. Magpapakasal agad tayo.."

He smiled back "T-Thank you.." Tsaka niya ko hinalikan sa noo.



[Pasesnsya na kung short..]

--To be continued ......

My Husband from the Star [MBFTS Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon