JINI HAINE'S POV
Balik condo na ulit kami. Hinanda ko na ang susuotin ni Shone at uniform ni Calexy habang sabay silang naliligo, hahaha! Pagkatapos tatakbo ako sa kusina dahil muntik ko ng makalimutan na may niluluto ako. Instant Housewife na talaga ako. Tsk! Tsk! Pero okay lang.. ^^
Nang pinatay ko na ang gas stove ay hinanda ko yung aalmusalin nila ngayon. Pagkatapos nilang maligo ay inasikaso ko si Calexy.
"Mommy, can I kiss you?" Sabi sa akin ng baby ko habang binibihisan ko siya.
"Hehe! Sure, baby.." Sabi ko habang nakahanda na ang nguso ko sa kanya. "Muaaaaah!!!" Pusta ako, may gusto ito sa akin kaya biglang naglambing..
"I love you, mommy!!" Nambola pa. Tsk!
"I love you more, baby!!"
"Can I have a request?"
"Sure baby. What is it?"
Ngumiti naman siya ng nakakaloko.
"Can you give me a playmate?"
O_____O
Napasapo ko naman ang noo ko. Naisip ko na tinuruan siya ni Shone. Tsk! Kailangan ko rin utuin itong baby ko.
"Don't worry baby. Soon magkakaron ka rin ng playmate. Hintayin mo lang baka natraffic lang. Hehehe! Did daddy thought you to make a request like that?"
"Hmmm.... Nope? Hihihi!!"
Liar…
Halatang pinagtatakpan ang daddy niya. Tsk! Tsk!
Sumunod naman na inasikaso ko.. Ang Baby Damulag ko.. Hehehe! Nilapitan ko naman siya at nagprinsinta ako na ako na mag-aayos ng necktie niya.
"Ikaw ah! Ano na naman yung tinuro mo sa anak mo?"
Agad ko namang naramdaman yung mga braso niyang pumalupot sa bewang ko.
"I don't know what your saying. In fact, he really wants to have a sibling."
"Wag kang mag-alala dyan. Balang-araw magkakaroon din tayo. Sige na, mag-almusal na tayo. Ay teka! Gusto mo dalhan kita ng lunch sa office?"
Napangiti naman siya. "Kahit ang sarili mo na lang dalhin mo bilang lunch, busog na ko.." Sabay ngisi niya. At nabigla na lamang ako nang bigla niya akong leeg.
Waaaahh!!
"Hindi……kita mahalikan sa……labi kaya……dito na lang…" sabi niya habang nagmumukha siyang bampira sa ginagawa niya sa leeg.
"Uwaaah!!! Honeey!! T-Tigil na…baka biglang pumasok si Calexy dito!! Waaahh!! Tigil! Tigil!" At bahagya ko siyang naitulak at hingal na hingal pa siya ah! "Ikaw talaga! Labas na! Kakain na tayo at baka malate pa kayo."
"I'm already full, hon. Haha!"
Pambihira! Gawin bang almusal ang leeg ko?!
"Tse! Tara na! Ako gutom na at baka ikaw kainin ko dyan!" Sabi ko habang tinutulak ko sya palabas ng kwarto namin.
SHONE GRAY'S POV
After kong ihatid si Calexy sa school niya ay nandito na ko sa company. Tinatango ko na lang yung mga bumabati sa akin. Nadaan ko ang dating office room nila Simon at Lian, I sighed when I thinking about them.
Ano ng balita Starnet?
Hindi ko maiwasang mapaisip kung ano nangyayari sa planeta namin? Bakit ngayon ko lang sila naisip? Hindi ko na lang namalayang nakarating na ko dito sa office ko dahil sa pag-iisip.
Feeling ko parang may kakaiba at sa palagay ko ay hindi iyon maganda? Pero wag naman sana. Sana ligtas lang sila lalo na si SIG01, ang aking ama.
Lumipas ang ilang oras ay natapos ko mga meetings ko. Malapit nang maglunch break, I smiled. Dadating na misis ko.
Dumaan ako sa finance department nang makita ko doon si Marion na mukhang nakikipagchikahan ito.
Tsk! Wala pa rin talaga pinagbago to.
Lalapit na sana ako sa kanya nang marinig ko ang pinag-uusapan nila.
"Eh sino ba yun? Wala naman tayong emplayadong nangangalang Jacob Perez, noh?" Sabi ng kausap ni Marion. Ang pagkakatanda ko siya yung Charrie.
"Di ko rin kilala. Basta pinapa-check lang ni Madam kung may empleyado tayo ganun ang pangalan.." Sabi ni Marion.
"Wala talaga.." Sabi naman ni Marti.
"Excuse me.." Sabat ko kaya nagulat sila nang makita ako.
"Ay kayo pala, Boss. Me'kelangan kayo?" Tanong ni Marion sa akin.
"Nothing. Mukhang may hinahanap kayo, ah?"
"Yun nga po. Nagpapatulong po ang Misis nyong si Jini kung may JACOB PEREZ po ba tayong nagtatrabaho dito."
Jacob Perez?!
"Si Jini?" Pagtataka ko. "Anong dahilan? Bakit pinapahanap niya sa inyo ang taong iyon?"
"H-Hindi rin namin alam , Boss. Wala po siyang pinapasabing rason kung bakit pinapahanap niya yung taong iyon kung nagtatrabaho ba dito o wala..."
Tsk! May tinatago ang asawa ko sa akin.. I need to know behind that…
--to be continued …
BINABASA MO ANG
My Husband from the Star [MBFTS Season2]
Ciencia FicciónRead first the Season 1!!! Thank you! :D