Star-8

1.6K 47 5
                                    

JETT IAN'S POV

At Sydney, Australia ...

Hey yow! Kumusta? Miss me? Awww... I missed you all also. Haha! Um-english na ko. Puro english-ero ba naman mga kasama mo? Yung isa koreana pa pero half-Filipino siya. Puro pagdudugo ng ilong ang inabot ko dito lalo na nung nagsimulang mag-aral ako dito. Pero sanay na ko kaya okay na ilong ko. Hahaha!! XD

At saka hindi naman ako nag-iisa. Nagtatagalog din si James, eh! Mabuti na lang pure Filipino 'yun. Kaya kadalasan OP yung dalawa sina Allen at Anna dahil kami lang ni James ang nakakaralate kapag nakukwentuhan kami. Haha!

Anyways, kumusta naman ako?

Heto GWAPO pa rin. Haha! De, joke lang. Masaya ako sa workshop namin sa theater play. At doon ko nakilala si Anna Hyun. Sa totoo niyan, nililigawan ko siya since last month pa. I'm just still waiting for her to answer me. Hahaha!

Sh*T! Ganto pala talaga kapag umiibig ka. Nakakabaliw.

Sa totoo lang kung bakit ayaw ko pang umuwi kasi...sa hindi inaasahan.....

......nagkita kami Thea last week.

*Flashback*

Nasa isang Coffee Shop ako. I'm just fixing my camera. Nang maayos ko na ang lens ng DSLR Camera ko, ay tinutok ko ito kung saan para masubukan.

Magsa-shot na sana ako nang bigla akong natigilan sa nakita ko. Dahan-dahan kong binaba ang camera ko at tumingin doon sa babae na umiinom ng kape.

"Thea?" I whispered.

Sa ibang direksyon siya nakatingin.

"Very good! Perfect shot!"

Dumako ang tingin ko doon sa sumigaw. Isang American photographer ang kumukuha sa kanya ngayon.

Nang matapos ang shoot niya, ay agad siyang nilapitan ng isang babae at inayos ang make-up sa kanyang mukha kahit na naka-shades pa siya. Hindi pa rin siya tumitingin sa direksyon ko.

Nakita ko na agad siyang tumayo at humakbang ng tatlong beses nang agad siyang huminto sa paglalakad at......

......tumingin siya sa direksyon ko...sa akin.

Sandali lang siyang tumingin sa akin at naglakad na muli siya.

Sh*T! Ang HOT ng dating niya at ang laki na ng pinagbago niya. Pero...PANDAK pa rin siya para sa akin, lalo na kung tatanggalin niya high heels niya. Haha! Hilig na talaga niya ang pagiging modelo.

Kinabukasan...

Sinamahan ko si Anna na magshopping sa mall. Pagkatapos pumunta kami sa isang bookstore para bumili ng Cooking Book Recipes.

"Gusto mo talagang matuto, huh?" Sabi ko.

"Yup! And besides, you're here and you will teach me, di ba?"

"Haha! Of course!"

Pagkatapos niyang makapili ng book ay pumunta na siya sa counter para bayaran yung book. Sabi ko ako na lang magbabayad, kaso ayaw naman niya. Todo tanggi si Future Girlfriend ko.

Habang hinhintay ko siya ay napadaan ako sa mga magazines kaya nagtingin-tingin muna ako. Naalala ko tuloy nung kaming dalawa ang nasa cover ng magazine. Nakakamiss ang babaeng---

And speaking of...

May nasagap akong isang magazine. At ang nasa cover......

......si Thea.

Woah! Hindi ko expect na hanggang dito sa Australia ay sikat siya. How amazing...

'Thea Young is a hot model cover girl and a great theatre actress in the Philippines.'

Heto yung nakasulat sa article sa magazine ngayon.

*End of Flashback*

Hawak-hawak ko ngayon ang magazine. Talagang binalikan ko talaga ito bago pa ito ma-sold-out.

Alam kong nandito pa siya sa Australia. Hahanapin ko siya, gusto kong kamustahin siya dahil kahit paano ay naging kaibigan ko siya kahit na alam kong nasaktan ko siya noon...i mean yung ni-reject ko siya na wala akong nararamdaman para sa kanya. Sana kinalimutan na niya yung nangyaring 'yun.


--To be Continued ...

[Sinong gusto niyo? JetThea o IanNa?]

My Husband from the Star [MBFTS Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon