JETT IAN'S POV
Kung saan-saan ako dinadala ni Thea. Mabuti na lang September ngayon at wala gaanong tao at mga batang nagfifield trip dahil na rin weekdays ngayon.
Sumakay kami sa Bump Car, ayun pinagbabangga kami ni Thea. Tapos sa Dragon Express, sigaw ng sigaw si Thea samantalang ako nakalumbaba lang kanina...boring kaya doon.
"Nagugutom ako. Tara doon sa food court malapit sa Pirates." Sabi niya.
"Paano mo alam na food court malapit sa pirates? First time ko rin dito e." Sabi ko nang tinaasan ko kilay.
"What sense of searching from internet? Duh! Halika ka na nga!"
-____- ako
Fast Forward...
Kumakain na kami ngayon nang bigla...
*click!*
Kunut-noo naman akong tumingin sa kaharap ko at tawang-tawa siyang habang hawak niya ang kanyang DigiCam.
"Wooo! Hihi! Don't mind me, kumain ka lang dyan." Natatawang sabi niya.
"Tsk! Wag mo nga akong KUNAN!!" Bulyaw ko sa kanya.
"Hahahaha!! Arte mo! Remembrance to noh! Mamaya sakay tayo sa Wild River at Viking. Tapos pasok tayo sa Snow World and last ride natin sa Ferriswheel. Okay ba?" Sabi niya at saka na siya kumain. Ako naman ay napatitig sa kanya.
Hindi ko maintindihan .. Nagiging abnormal na tibok ng puso ko.. At aaminin ko, kahit paano ay nawala kahit paano ang sakit na nararamdam ko tulad ng hindi ko pa rin lubos matanggap ang pagkawala niya.
Tama. Kailangan ko maging matatag. At ginagawa na ni Thea ang pasiyahin ako para kay Anna. Napangiti ako...and at the same time..nahihinayang ako..
Nanghihinayang ako kung bakit hindi ko siya napansin noon?
Pagkatapos naming kumain ay agad kaming nagpunta sa Wild River... Boring din..
Sa Viking...
"AAAAAAHHHHHHH!!!!"
"WOOOOOOOOO!!!"
At heto yata ang nagpabuhay sa kaluluwa ko. Akala ko simpleng pagduyan lang ride nato... Pero NAPAMURA ako dahil parang naiiwan ang puso ko sa ere, nasa pinakadulo pa naman kami ni Thea...
...hanggang sa hindi ko inaasahan. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at tininaas niya ito sa ere. Sumakay na lang ako trip niya at sabay kaming napapahiyaw.
Pagbaba namin ay napatingin ako sa kanya na gulo-gulo ang buhok, at putlang-putla dahil siguro sa takot kanina. Natawa nama ako.
"Pfft--! Okay ka lang? Ano? Hahaha! Kaya pa?"
BINABASA MO ANG
My Husband from the Star [MBFTS Season2]
Fiksi IlmiahRead first the Season 1!!! Thank you! :D