Star-37

925 27 0
                                    

ELAINAH'S POV

Biglang nagring ang phone ko kaya agad kong sinagot.

"Hello? Sino to?"

[Ako to. Yung lumapit sayo noon..]

"Ah.. Ikaw pala.."

Yung lalaking na sabing tutulungan ako sa paghahanao kay Jacob.

[I want to tell you na nakita ko na yung Jacob Perez na hinahanap mo.]

"T-Talaga?! Teka! Saan ko siya pwedeng makita?" excited kong tanong.

[Sa Hanston Corp..]

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Doon ang company nila Jini, ah? Bakit doon?

"B-Bakit doon? Sigurado ka ba?"

[Bakit? Hindi ka niniwala?]

"H-Hindi naman sa ganun. Doon ba siya nagtatrabaho?"

[Just search it on your own. Hanggang dito na lang. Bye.]

Fast forward …

Hindi ko maiwasang mapaisip kung paano nakarating si Jacob sa company nila Jini. Ahh! Basta kailangan kong mahanap si Jacob.

"Elainah?"

Maudlot ang pagpasok ko sa kumpanya nang may biglang tumawag sa akin.

"J-Jini.." Napangiti naman ako nang makita ko siya.

Teka! Bakit nandito siya sa labas? Parang hindi siya CEO ngayon ah..

3RD PERSON'S POV

Hindi na natuloy ni Elainah ang pakay niya sa Hanston Corp. nang bigla siyang niyaya ni Jini na kumain na muna sila sa labas.

Nagpunta sila sa restaurant sa loob ng mall. After nilang mag-order ng makakain ay nagkwentuhan na sila.

"Pasensya na, ah? Medyo naging abala lang nung mga nakaraang-araw.." Sabi ni Jini sa kaibigan. Ngumiti naman ito sa kanya.

"Naku ayos lang. Naintidihan ko naman. Pero matanong ko lang, bakit itsurang hindi ka CEO ngayon?" Pagtataka naman ni Elainah.

"Bumalik na kasi ang asawa ko, balik na siya sa pagiging bossy ngayon. Hehe!"

"Talaga?" Hindi makapaniwalang sabi pa ni Elainah. "Mabuti naman kung ganun. Ang tagal din, ah! Five years ago? Akalain mo natiis mo iyon?"

"Oo naman. Ganun talaga kapag nagmamahal ka. Kung may tiwala ka, magkakatotoong babalik sya. Basta natututo kang maghintay. Naniniwala din kasi ako na Miracle can do. Hahaha!! Ang baduy!" Nagtawanan naman silang dalawa. Saka humigop ng si Jini ng juice.

My Husband from the Star [MBFTS Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon