JINI HAINE'S POV
Lunch Time na. Pagpasok ko dito sa company at puro bati ang sumalubong sa akin ng mga empleyado dito. Gini-greet back ko naman sila.
Ang bait-bait ko nga daw na CEO, tapos ngayon napalitan na daw ng takot dahil iba na ang Boss. Hehe! Sabi ko sa kanila, kapag inaway sila ng Shone isumbong lang nila sa akin para mapektusan ko. Mehehehe! Syempre, jokie! Jokie lang!
"Hi, Mrs.Hanston~ Naks!"
Napalingon naman ako doon. Si Sir Marion pala.
"Oh! Kamusta sa inyo?" Nakangiting sabi ko sa kanila. Kasama ni Sir Marion sina Charrie at Marti na mukhang kanina pang nagkukwentuhan.
"Mabuti naman, Miss Jini. Gumaganda ka lalo, hehehe!" Sabi ni Charrie.
"Sus! Nabola pa." Natatawang sabi ko.
"In love sa asawa eh. Hahaha!! By the way, yung pinapahanap mong JACOB PEREZ---"
"Meron ba?" Tanong ko agad nang marinig ko yung name na Jacob Perez.
"Wala eh... Wala talaga. Ano bang dahilan at hinahanap mo ang taong iyon?" Nanlisik naman ang mga mata ni Sir.Marion sa akin kaya tinaasan ko siya kilay.
"Ehh--Oo nga pala. Ganun kasi yan..." Kwinento ko naman sa kanila na may kaibigan ako si Elainah, hinahanap niya ang boyfriend niya na nangangalang Jacob Perez dito sa company.
"Nakuuu~ Walang wala talaga, Mrs.Hanston. Masyadong ilusyunada ang kaibigang mong iyon." Sabi ni Sir Marion.
"Nagbabakasakali lang naman yung tao.. O sige salamat, ah? Pupuntahan ko na muna si Bossing niyo. Hehe!"
"Ay teka!" Pagpipigil sa akin ni Sir Marion. "Si..Ivan Santos, n-nasa office ng asawa mo?"
Nanlaki naman ang mga mata ko sa pagkabigla.
"A-Ano? Si...I-Ivan?!" Agad akong napatakbo papasok ng elevator. Nakuuu!! Ano naman kaya kailangan nun sa asawa ko? Jusko, kinakabahan ako.. Baka... Baka... Nagsusuntukan na ang dalawang iyon. >_<
*Ting!*
Pagbukas ng elevator ay agad akong binati ni Secretary Edran nang makita niya ako, lalaki na po Secretary ng asawa ko. Kung babae daw, baka ibalik niya ako dati kong position. Sabi ko pwede naman, kaso ayaw niya akong mapagod.
"Good Day, Madam."
"Good Day din. Si Shone pala? Busy ba?"
"Ahh.. May kausap pa pong client sa loob. Pero sabi niya po kanina papasukin ko kayo kapag dumating na kayo."
Tumango-tango naman ako. "Ahh.. Sige. Salamat.. Mag lunch kana.." Nakangiting sabi at tumango naman siya at nagpasalamat din.
Kinakabahan ako. Ano kayang maaabutan ko sa loob?
3RD PERSON'S POV
Dahan-dahang binukas ni Jini ang pinto pagkatapos niyang kumatok. At ang nadatnan niya sa loob na mukhang seryoso ang dalawa..
"Checkmate.."
Napakunot-noo naman si Jini na naglalaro lang pala ng CHESS sina Shone at Ivan.
"Hey, Hon.. Here.." Sinenyasan niya ang asawa na umupo sa tabi niya.
Si Ivan naman ay sandaling tinitigan si Jini habang busy din tong nakikipag-usap sa asawa.
Nag-Act Normal lang si Jini sa harap ni Ivan at nginitian niya ito at agad niya rin itong binawi.
"Hehe! A-Akala ko b-business matters, yun pala busy kayo sa pagchechess. >_<"
"Tapos na namin pinag-usap iyon. Niyaya ako ng asawa mong magchess." Sabi ni Ivan habang tutok ito sa chess board. Ganun din si Shone. Natatawa na lamang si Ivan kapag naiisip niyang papalapit na siyang manalo, si Shone naman ay napapangisi ng palihim dahil matatalo na siya Ivan at si Jini naman ay bored na bore at gutom na rin dahil gusto niyang kasabay ang asawa kapag naglunch.
At sa hindi inaasahan ni Jini, nagulat na lang siya nang hindi niya namalayang hinalikan siya ni Shone sa labi kaya dilat ang mga mata niya sa pagkabigla.
Bigla siyang nakaramdam ng hiya dahil pakiramdaman niya ay nakatingin sa kanila si Ivan.
Bahagyan hiningal si Shone at Jini naman ay gulat na gulat pa rin.
"Good luck charm. Papalapit na kasi akong matalo, eh.." Nakangisi niyang sabi ni Shone sa asawa. Pagkatapos ay binalik na niya ang tuon sa chess board pero bago iyon ay napatingin siya kay Ivan na seryoso nang nakatingin sa chess board.
Dumating ang oras ay nanalo pa rin si Ivan sa chess. Tumayo na sila dahil kailangan ng umalis ni Ivan.
"Its a nice game.. Let's play some other time, Mr.Santos.." Nakangiting sabi ni Shone pero nakikita mo na andun pa rin ang pangisi nito.
"Yeah. Sure.. Don't forget the business deal. I have to go.. See you next time.." Pagkatapos nilang makipagkamayan ay sandaling sumulyap ito kay Jini at umalis na ng opisina.
Mabilis hinarap ni Jini si Shone. "Magsabi ka nga, bakit mo iyon ginawa?"
"Because you're my wife, and to make him annoyed." Nakangising sabi niya kay Jini.
"Nakakainis ka! Nakakahiya, sa harap pa talaga niya. Halika na, maglunch na tayo.."
"May hindi ka hindi ka sinasabi sa akin.." Sabi ni Shone nang bigla niyang hawakin sa wrist ang asawa..
"Huh?"
"Sino yung JACOB PEREZ?" Tanong ni Shone. Gusto niyang maging klaro lahat ng naiisip niya. Kung may kaugnayan ba si Jini sa babaeng tinatawag siyang Jacob noon..
--to be continued …
BINABASA MO ANG
My Husband from the Star [MBFTS Season2]
Fiksi IlmiahRead first the Season 1!!! Thank you! :D