Star-54

891 23 0
                                    

JETT IAN'S POV

Nang makarecover na ko at doon ko hinabol si Thea.

"Thea! Thea!" Tawag ko sa kanya. Pero takte! Ang bilis niyang tumakbo hanggang sa hindi ko na sya makita. Mabilis akong nakarating ng parking lot pero wala na doon ang kotse niya.

Nanlumo ako.. Naramdaman ko na unti-unti akong hinihila pababa hanggang sa mapaluhod ako.. Napayuko ako at naramdaman ko ulit ang pagpatak ng luha ko, kasabay ng pagbuhos ng ulan.

"Please, Thea come back... I need you.." Mahinang sabi ko.

Don't leave...

JINI HAINE'S POV

Tumawag sa akin si Tatay at pinaalam sa akin na medyo maayos na ngayon si Jett, nilalagnat ngalang daw biglang nilagnat dahil nagpaulan kagabi.

Pakiramdam ko mas masaklap pa yata ang nangyari kay Ian ngayon kesa sa akin na iniwan ako noon ni Shone. Pero sa kanya, imposible na bumalik pa si Anna sa buhay niya. At si Thea, halatang may gusto kay Ian dahil sa akin siya nagpapaalam na gusto niya na siya umasikaso kay Jett. Ang bait naman..

At ako, one week na kong buntis at hindi ko pa pinapaalam kay Shone. I already used the pregnancy test.. At two lines ang lumabas. POSITIVE!! >_< Gusto ko kasi na i-surprise ito sa kanya sa mismong wedding monthsary naming dalawa. Hehe! Gumaganun? XD

Papunta ako ngayon sa isang restaurant dahil may tumawag sa akin...

ANG MAKULIT NA KAMBAL!! At gusto daw nila akong makita kaya pumayag ako.

At Restaurant ...

"ATE JINIIII!!" Napangiti ako nang makita ko agad si Claudine na kumakaway. Agad namang napawi ang ngiti ko nang makita ko kung sino kasama nila.

Si Elainah...

Hindi ko namalayang lumapit sa akin si Claudette at pinaupo ako agad.

"KYAAAH!! REUNION!!" Sigaw ng kambal kahit na hindi sila magkatabi ng upuan. Sa tabi ko si Claudine at nasa harapan namin sina Elainah at Claudette..

"Naku, Ate. Pasensya na sa istorbo ah? Kasi kailangan na naming magpaalam at mameet ka, last night na lang namin mamaya then fly fly away na kaming tatlo pabalik sa amerika.." Sabi ni Claudette sabay pout pa niya.

"Huh? Kailan pa ba kayo nandito?" Tanong ko

"Last month lang.. Hindi ba nasabi sayo ni Elainah na nakabalik na kami?" -Claudine.

Napatingin naman ako kay Elainah.. Hindi ko na siya maintindihan ngayon. May times na nakakaramdam ako ng pagkatampo sa kanya. Pero kahit na ganun ay kailangan ko pa rin siyang pagpasensyahan.

Expect the unexpected lang talaga ang mga nangyari sa amin noong nakaraan. At parehas kaming walang alam.. Na hindi niya alam na asawa ko si Shone na inakala niyang boyfriend niya, na hindi ko din alam na si Shone pala ang kahawig ng boyfriend niya na noon niya pang hinahanap....sa akin..

"Tsk! Tsk! Elainah, di ba may sasabihin ka kay Ate Jini?" -Claudette

Nagkatinginan naman kami ni Elainah..

"J-Jini, papasensya na.. Maling akala lang ang lahat.. S-Sorry.. Birthday niya nung isang araw, at pina-crimate na ang katawan niya.. Nakamali ako.. Sorry talaga, sorry sa panggugulo ko sa asawa mo.."

Ramdam ko kung paano sya kabahan sa paghingi niya ng sorry sa akin.

Napangiti naman ako, hindi naman ako ma-pride na tao pagdating sa kaibigan.

"Apology accepted. Alam naman natin na hindi maiiwasan ang maniwala sa Maling Akala.. Kung minsan doon pa tayo napapahamak."

Tumango naman siya. "Tama. Parang pinapahamak ko lang sarili ko. Pero ngayon, tanggap ko na. Acceptance lang naman ang gusto ni Jacob para maging masaya siya."

"Hindi man kayo ni Jacob ang nakatadhana. Pero sigurado ako na may ibibigay pa si God sayo na mas deserving na alam niyang mamahalin ka at hindi ka iiwan.." At saka kami naghawakan ng kamay ni Elainah.. Napatingin naman kami sa kambal.

"Uy! Bakit kayo umiiyak?" Natatawang sabi ni Elainah.

"Kayo kasi e..masyado kayong madrama sa buhay!!" Sabi ni Claudine sabay bato niya ng tissue kay Claudette.

"EEEEWWW!!! Pinangsinghot mo to ng sipon. Leche ka talaga kambal!!"

"Kayo talaga! Magsitigil nga kayo. Nakakalungkot naman dahil aalis na agad kayo.." Saka ako nagsadface...

"Oo eh.. Isasama namin si Elainah doon sa America." Sabi ni Claudine.

"Oo. Hihi! Baka doon niya mahanap ang destiny niya. Charot!!" Pagbibiro ni Claudette. Natawa naman ako.

"Sige! Balitaan niyo ko ah! Balik kayo next year ah!!"

"Huh? Bakit? Anong meron next year Ate Jini?"

Napansin nilang hinimas-himas ko ang tummy kahit na alam kong hindi pa halata ito..

"Buntis ako. Kayo ang mga ninang!!"

Pagkasabi ko nun ay sabay-sabay nagtilian ang kambal at si Elainah naman ay cinongrats ako. Nangako naman na babalik sila at dadalasin ang pagcocommunicate namin sa video calls.

Ayan! Okay na! Susunduin ko pa ang Little soon to be KUYA sa school niya. Ang layo na tuloy ng eastward, wala pa kaming nahahanap na P.D kaya tiis na muna sa taxi.

--to be continued ...

My Husband from the Star [MBFTS Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon