JINI HAINE'S POV
Sinamahan kami nila Miss Lian at Sir Simon na pumasok sa ship nila. Nag-assist si Ian na siya ng bahala kay Calexy kaya iniwan ko muna sa kanya.
Agad akong lumapit kay Shone na agad siyang inalalayang hiniga sa isang stretcher pero bigla akong pinigilan ni Sir Simon na makalapit sa asawa ko.
"Miss Haine, gagamutin na muna nila si Shone." Sabi niya.
"P-Pero--"
"Magiging ligtas sya tulad ng dati." Nakangiting sabi niya.
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pag-agos ng luha ko. Naramdaman ko na may yumakap sa akin, pero hindi ko na inalam kung sino iyon at basta na lang akong humagulgol sa balikat niya. "H-Hindi ko kasi a-akalain na mangyayari ulit ang g-ganito.."
"May power of positiveness ako. And I'm sure na hindi na mangyayari to. Magiging ligtas ang asawa mo. Aminado kaming mas malakas siya sa amin, nanghihina lang naman siya dahil umibig siya sa tao.. Don't worry, everything's gonna be back into normal." Sabi ni Miss Lian na siya pala ang kayakap ako at pinapagaan ang loob ko.
SHONE GRAY'S POV
Nagising ako na may iniidang sakit sa may tadyang ko. Agad kong naalala ang mag-ina ko. Babangon na sana ako nang biglang natigilan ako dahil kumirot ang sugat kaya napabagsak ulit ako sa kama.
"Don't move yet."
Napatingin ako kung sino yun.. Si Simon..
"Ang mag-ina ko?!" Agad kong tanong.
"Don't worry kasama nila si Lian, mamaya makikita mo rin sila. But for now, mag-usap muna tayo." Sabi niya.
"Kayo lang? Na saan si Officer SIG01?" Tanong ko.. Napansin kong biglang natahimk si Simon. "B-Bakit natahimik ka?"
"Tungkol sa kanya ang pag-uusapan natin."
Pakiramdam ko ay bigla akong kinabahan dahil parang hindi maganda ang sasabihin niya sa akin. Kaya napaupo ako sa kama.
"ANO BA SIMON?! SUMAGOT KA!!" Sigaw ko sa kanya, naiinis na kasi ako dahil ganyan siya kumilos.
"He...He already passed away."
Bigla akong natigilan. Parang huminto ang tibok ng puso sa narinig ko.
'Paano kung sabihin kong.... pinatay ko ang minamahal mong ama?!'
'Paano kung sabihin kong.... pinatay ko ang minamahal mong ama?!'
Naalala ko agad ang sinabi ni Professor G. sa akin na naging paulit-ulit sa utak ko. Kung ganun, totoo pala. Pinatay niya ang aking ama.
Napayuko ako at niyukom ko ang mga kamay ko. Naramdaman ko na lang umagos na luha mula sa mata ko. Gusto kong sumigaw, gusto kong makita ang ama ko. Gusto kong humingi ng tawad sa mga nagawa ko sa di pagsunod sa kanya.
Agad akong bumangon sa kama, pero agad akong pinigilan ni Simon.
"WAG MO KONG PIGILAN!!" Sigaw ko. Hindi na niyang nagawa pang pigilan ako. Agad kong tinungo ang kulungan kung na saan si Professor G. Nadatnan ko siyang nakatali, binuksan ko ang kulungan at pumasok ako. Nag-iba ulit ang anyo ko dahil sa galit kasabay ng pagpapalabas ko ng laser sword sa kamay ko at agad kong tinutok iyon sa leeg niya kaya inangat nya ang paningin niya sa akin. "Paano mo pinatay ang ama ko? PAANO?!" Sigaw ko sakanya. Halatang pinarusahan pa siya kaya siya hinang-hina ngayon, pati kapangyarihan niya ay hindi ko na maramdaman. Magsasalita na siya nang bigla ko na siyang saksakin sa dibdib. "Sisguraduhin kong hindi ka na mabubuhay pa."
*ZHIIING!!*
3RD PERSON'S POV
Nalaman ni Jini mula kay Lian ang pagpanaw ng ama ni Shone kay sinamahan siya nito kung na saan ang coffin ng ama ni Shone.
At nadatnan niyang nakaluhod ang asawa sa harap ng coffin ng ama nito.
Naiyak sya ng marinig niya ang mahinang hikbi ng asawa habang nakayuko ito. Nilapitan niya ito at agad na niyakap.
"Honey, nalaman ko ang tungkol sa ama mo at masasabi ko na isang syang bayani ng planeta niyo. Sabi ni Miss Lian, ikaw daw agad ang iniisip ng ama mo habang nakikipaglaban siya. Hindi mo man nasabi ang gusto mong iparating sa kanya, pero alam ko na nauunawaan niya iyon dahil ganun ang magulang kapag mahal nila ang anak nila. Iniwan ka man niya, pero kung na saan man siya ngayon alam kong nakaantabay pa rin siya sayo.. Nandito pa kami ni Calexy, hindi ka namin pababayaan.." Hinalikan ni Jini ang noo ng asawa.. "I love you.."
--to be continued ...
BINABASA MO ANG
My Husband from the Star [MBFTS Season2]
Fiksi IlmiahRead first the Season 1!!! Thank you! :D