Star-21

1.2K 37 0
                                    

[Yeah! Itong season nato ay laban ng ALIEN at TAO. Hehe! Para maiba naman.]

3RD PERSON'S POV

"You know know my wife?" Pagtatakang tanong ni Shone kay Ivan.

Kunwaring napaisip si Ivan pero nangising nakatingin sa kanya. "Hmm.. Not that much."

"Shone?" Bigla silang napaayos ang dalawa nang dumating si Jini at lumapit ito sa asawa. Nanlaki naman ang mga mata ni Jini kung sino ngayon ang kausap ng asawa. Si Ivan. "I-Ivan?"

"Nandyan ka na pala. Magkakilala kayo?" Mahinahong tanong ni Shone.

"O-Oo.." Sagot niya sa asawa pero nanatili pa ring nakatuon ang tingin niya kay Ivan na may nakakalokong ngiti nito sa kanila. Kaya naman nakaramdam ng inis si Jini kay Ivan.

"Hi Jini. Nice to meet you again. Ohh.. Is he your...husband?"

"Isn't obvious, Mr.Santos?" Mataray na sabi ni Jini. Hiniwakan niya braso ng asawa. "We to go. Let's go, honey."

Tumango na lamang si Shone sa kanya at sinunod sa asawa. Pumasok na sila ng sabay sa kotse tsaka na nagsinimulang pinaharurot ito palayo.

Sinundan lang ni Ivan ng masamang tingin ang kotse nila Jini papalayo.

'Masyado mong pinagtatakpan ang asawa mo, Jini.'

SHONE GRAY'S POV

Nandito kami sa isang restaurant sa loob ng Mall. Hindi kasi kami gaano nakapag-almusal dahil late na kami nagising at papasok pa si Calexy, mabuti lang ay hindi siya na late.

Napansin ko rin kanina kay Jini na para bang naiinis siyang makita yung Ivan na kausap ko kanina. Kung ako tatanungin, I have this feeling na hindi maganda ang kutob ko sa lalaking yun. At nasisiguro ko sa lalaking iyon na mukhang may gusto siya sa misis ko.

Tumayo ako nang dumating si Jini nadala-dala ang isang tray para matulungan ko siya sa pag-alalay na maipatong ang tray sa table.

"Thank you. Kain na tayo, honey."

Napangiti naman ako. "Honey?"

"Mm.. From now on 'Honey' na ang call of endearment natin."

"Haha! Alright, as you wish, My Honey Queen."

Natawa naman siya. "Ang korni mo, may pa-queen-queen ka pa. Nasa Earth tayo wala tayo planeta niyo. HONEY na lang kasi.."

"Tss.." Natatawang usal ko.

"Natatandaan mo pa ba kung anong kaganapan noon dito sa Mall?" Tanong niya.

Napaisip naman ako. Ito ba yung Mall na unang nakipaglaban sina Simon at Lian sa Bad Alien? All I could say is maraming nagbago. Tss.. Sino ba namang mawawala ng limang taon? Natural lang na maraming nagbago sa paligid.

"Ang naalala ko lang sina Simon at Lian. They just told me tungkol sa pagkikipaglaban nila dito noon sa isang jewelry shop laban sa bad alien. Wala ako noon kasi..." Natigilan ako nang biglang nakaramdam ako ng konting kirot sa ulo. Napatingin ako sa kanya at nakatitig lang siya sa akin.

"Okay ka lang, Honey?" Napansin niya?

"Ahh.. Y-Yeah. Of course, hon. I'm okay." Tsaka ako humigop ng konti sa baso ko.

'Wala ako noon dahil nagkatrangkaso ako? Bakit? At anong dahilan?'

"Sabi ko na kasi sayo na subukan mo munang uminom ng gamot namin, malay mo dahil sa tao ka na eh mahiyang mo na gamot namin dito."

"Nah. I'm fine, hon. Mawawala rin ito. Siya nga pala...kilala mo yung lalaking iyon?" Tanong ko habang abala siya pagkain.

"Mm.." Tsaka siya tumingin sa akin. "Siya si Ivan Santos, nanliligaw iyon sa akin pero ayoko talaga sa kanya. Palagi niyang sinusumbat sa akin na hindi ka na babalik. At gagawin niya ang lahat......makuha ang loob ko lalo na ng anak natin." Sabi niya.. Bigla niyang hinawakan ang isang kamay kong nakapatong sa mesa. "Habang sinasabi niya iyon sa akin, mas lalo akong umaasa noon na alam kong malaki ang chance na nakakabalik ka." Ngumiti siya.

"Kung ganun, hindi ko hahayaang makalapit pa ang lalaking iyon sa nyo. I'm already here, so you don't have to worry."

Ivan Santos...

Hindi ko hahayaang makalapit ka sa pamilya ko.

--to be continued ...

My Husband from the Star [MBFTS Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon