Star-31

937 26 0
                                    

3RD PERSON'S POV

Agad kinausap ni Prosecutor Lee ang doctor kung pwede na ba nilang makausap yung gangster. Pinayagan naman sila dahil gising na rin yung lalaki at medyo maayos na ang kalagayan nito.

Pinasok nila ang kwarto ng gangster at doon nila naabutan na may dalawang pulis na nakabantay sa kanya. Samantala ang gangster naman ay sugatan at may benda sa kaliwang braso nito.

Kinausap na ni Officer Montel ang dalawang pulis na lumabas na muna ang ito.

"Ako si Prosecutor Lee. Pwede ka ba namin kunan ng panayam ukol sa nangyari kagabi?"

Iginalaw ng bahagya ng lalaki ang kanyang ulo para tignan sila.

"Kung sasabihin ko ba eh maniniwala kayo?" Ani ng gangster.

"Oo. Maniniwala kami."

Saglit napaisip ang gangster para alalahanin ang lahat ng nagyari kagabi.

"H-Hindi tao ang gumawa nito sa amin.." Natigilan saglit ang dalawa. Medyo nabigla pa si Officer Montel sa sinabi nito.

"P-Paano mo nasabing hindi tao ang gumawa nito sayo?" Tanong ni Officer Montel. Habang si Prosecutor Lee naman ay seryosong nakikinig dito.

"Nakakatakot..lalo na ng mga mata niya, kulay abong umiilaw. Pagkatapos ay naglalaho siya ng mabilis at nagugulat na lang kami na kung saan na lamang siya sumusulpot. Masyado siyang mabilis para suntukin kami ng napakalakas atsaka may kung anong lumitaw sa mga kamay niya na hugis bilog at doon nanggaling ang pasabog na pinatira niya sa amin.."

Confirmed bulong na sabi ni Prosecutor Lee.

Nagkatinginan naman yung dalawa at binalik din ni Officer Montel ang tingin niya sa lalaki.

"Sige naniniwala kami. Pero ano ba ang puno't dulo ng lahat?"

At dito na nakaramdaman ng kaba ang gangster nato dahil kapag mabuti na ang lagay niya ay sa prinsinto na ang bagsak niya.

"N-Napag-utusan lang kami na b-bugbugin namin yung lalaki na iyon."

"Bakit at anong dahilan?"

"Walang nasabi yung nag-utos sa amin. Basta ang sabi niya ay may atraso lamang ito sa kanya kaya gusto niyang ipabubog ito sa amin hanggang sa mahina at di na makatayo.."

"Pwede ba naming malaman kung sino ang taong nag-utos sa inyo?"

"Pasensya na pero nasa kasunduan iyon na bawal namin ipasabi kung sino siya.."

"O sige. Balang-araw ay malalaman din namin kung sino yun. Sige, maraming salamat sa kaoperasyon mo." Sabi ni Prosecutor Lee.

Kasabay ng palabas ng kwarto ng gangster ay ang pagpasok ng dalawang pulis sa loob.

"Jusko! Kinikilabutan na naman ako. Akala ko ay walang alien maliban sa anak ni Miss Aldeo."

"Puntahan natin si Miss Aldeo kung may nasagap ba siya tungkol dito. Tara na."

IVAN'S POV

Damn it! Lahat tinalo niya!

Papunta ako ngayon sa isang laboratory expertise. Binayaran ko iyon ng malaki kaya naniniguro akong pakikinabangan ko iyon ng malaki.

Sshhiiiww!!

Tunog na bumukas ang pinto ng laboratory. Kinapkapan muna ako saglit bago ako tumuloy sa loob. Nang nagtapos na ay pinayagan ng mga tao dito na tumuloy na sa loob at sinabi na ng isang tauhan na kanina pa ko hinihintay ng Prof. Tumango naman ako.

Pagpasok ko sa laboratory ni Prof, ay naabutan ko siyang abala sa pagtatype ng kung ano man sa kanyang computer.

"Professor Relojero.." Tawag ko sa kanya.

Huminto siya sa pagtatype at saka niya ko nilingonan. Napangiti siya ng makita niya ako.

"Mabuti ay nandito kana, Mr.Santos." nakangising sabi niya. Tumayo siya at agad nakipagkamay sa akin. "Tapos na ang pinapagawa mo. Heto na.." Turo niya sa isang higanteng bagay na nakabalot pa ito sa puting tela tsaka niya agad itong tinanggal. At natigilan ako sa pagkamangha. "V-FORCE SWITCH POWER MACHINE 0.8 ang pangalan nito. This is a machine na kayang higupin lahat ng kapangyarihan niya. Ipasok mo lang siya dito sa loob ng machine nato tsaka mo i-turn-on ang handle switch.."

Napangiti ako sa mga sinabi niya. I can't wait to use this. Pagkatapos mapapasaakin na si Jini.


[Dapat si *toooot* ang ilalagay ko bilang Professor, kaso next time na lang. Haha!]

--To be Continued ...

My Husband from the Star [MBFTS Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon