SHONE GRAY'S POV
Nagulat na lang sila nang agad kong kinuha ang asawa ko at binuhat siya.
"Nawalan siya ng malay ngayon-ngayon lang.." Sabi ni Ivan.
"Ganun ba? Sige ako ng bahala sa kanya. Thanks anyway.. Let's go, Calexy.."
Agad kong pinasok si Jini sa front seat at agad ko siyang nilagay ang seatbelt sa kanya. She looks pale, what's happens to her.
Sumakay na rin ako at mabilis pinaharurot ang kotse ko pauwi. Tinignan ko saglit si Calexy sa rear mirror na tahimik lang at mukhang nagalala talaga siya sa mommy niya.
"Calexy, tell me what's happened?"
"We want to go to the hospital to see you but she suddenly collapsed.."
"And that guy?"
"He immediately caught mommy when she nearly fell down.."
Kung ganun, tama lang dating ko. Kung hindi pa ako dumating, baka kung ano ng gawin ng Ivan na iyon sa mag-ina ko.
ELAINAH'S POV
Humahagulgol ako sa iyak ngayon. Ayoko maniwala sa mga sinasabi nila. Hindi totoo!
"Siya si JACOB!!! SIYA SI JACOB!!" Sigaw ko nang magsimula na kong magwala. Agad nang may umawat sa akin.
"HINDI SIYA!!! ELAINAH, GUMISING KA NGA!!" Sigaw sa akin ni Claudine.
"Oo nga!! Five years na ang nakalipas hindi ka pa rin nakalimut sa pagkamatay ng boyfriend mo? Sa tingin mo matutuwa siya kung ganyan ka lagi at ngayon ay hindi mo pa rin siya pinakakawalan diyan sa puso mo?" Sabi ni Claudette.
"Atsaka! OMG NAMAN!! Sa dinami-rami namang magiging look-alike ni Jacob e yung pang ASAWA ni Ate Jini. God!"
Mas lalo akong naiyak nang maalala ko si Jini.
"YUN NA NGA, E!! SA DINAMI-RAMING TAO NA PWEDE NYANG MAGING KAMUKHA, BAKIT SA ASAWA PA NIYA?!?!" Sigaw ko sa kanila.
"Tahan na, Elainah.. Magmove on ka na.. Hindi na maganda ang kalagayan mo. Sa kakaisip mo kay Jacob e kung mapaano ka. Ayaw ka namin masiraan ng utak ahuhu!! Pwede ka pang magmahal ng iba, maging masaya ka...sure ako magiging masaya si Jacob kapag nakita niyang masaya sa piling ng iba.." Sabi ni Claudette.
Napailing-iling.. "Mas gugustuhin ko ng mamatay para masundan ko siya--ARAY! ANO BA?!?"
Minura ako ni Claudine pagkatapos niya akong hampasin sa braso.
"WAG KANG MAGBIBIRO NG GANYAN!! MAPERA KAMI AT SASAMA KA SA AMIN SA AMERIKA PARA MAKALIMOT KA!!"
"Tama!! Mahilig magpaparty ang mga kaibigan namin doon kaya SURE KAMI ni kambaluks na makakalimot ka agad-agad dahil malilibang ka doon. Make a new life and not a losyang life!!!" Sabay appear pa nilang dalawa.
Hindi ko na lang sinagot at umiyak lang ako ng umiyak..
Siguro nga... Siguro nadala lang ako sa pagiging mag-isa sa buhay kaya siya lang naiisip ko kaya hindi ko magawang makalimot.
Biglang nagvibrate ang phone ko at may nagpadala ng text message sa akin.. Si Mamita, ang mommy ni Jacob..
To: Mamita,
—iha! Kumusta na? Pwede ka bang pumasyal ngayon dito sa amin? Birthday ni Jacob ngayon..At doon ako natulala. Hindi ako makakibo, pakiramdam ko huminto ang tibok ng puso ko.. Pero ang luha ay tuloy lang sa pagbagsak.
"Mag-ayos ka. Gusto ni Jacob ang maayos ka sa birthday niya ngayon.."
---
Nakarating kami ng sa lugar kung saan nakatira ang parents ni Jacob. Pagpasok namin sa gate nila ay agad din kaming sinalubong kababatang kapatid niya, si Jerome.
"Kumusta, Ate? Namiss ka namin, sure ako na mas namiss ka rin niya. Tara, tuloy kayo sa loob.."
Pagpasok palang ng bahay nila ay pakiramdam ko ay naging malamig na paligid na puno ng kalungkutan..pero kita mo pa rin sa mga taong nandito ay puro nakangiti at nagkukwentuhan.
"Oh! Elainah, mabuti na nakarating ka. Dito tayo.."
"Sige ho.." Sabi ko at nakasunod lang sa akin yung kambal.
Nakarating kami sa kanilang living room at bumungad sa amin ang puro bulaklak at ilang kandila na nakapaligid sa picture frame niya at ng isang....matabang vase katabi ng picture ni Jacob..
"Nagtataka ka siguro iha. Last year kasi pinahukay ulit namin ang labi ni Jacob, dahil noon palang ginusto na niya na ipa-crimate siya kung sakaling mamatay man siya. Kaya last year lang namin iyon natupad." Nakangiting sabi ni Mamita habang natingin din siya sa picture ni Jacob.. "Alam mo ba nang makita ko ulit ang mukha niya na kahit agnas na, pakiramdam ko ay napakalungkot niya.. Siguro dahil sa hindi pa rin namin siya kayang kalimutan. Kaya naisip namin noon na magsaya.. At tinanggap na namin ang katotohanang wala na siya sa piling namin… Kapag natanggap mo ang katotohanan, paniguradong sasaya siya.. Hindi mo man siya kayang makalimutan pero sana kayanin mong tanggapin na wala na siya.."
Yun ba ang gusto nya?
Napapikit ako... Ako ang mali... Hindi pagkalimot ang solusyon, kundi sa hindi ko pagtanggap na wala na siya.
Malungkot ka pa rin ba, mahal ko dahil sa hindi ko pa rin tanggap na wala ka na?
--to be continued…
BINABASA MO ANG
My Husband from the Star [MBFTS Season2]
Science FictionRead first the Season 1!!! Thank you! :D